Beyoncé sinorpresa ang Pinoy baby na si Tyler: ‘They’re officially friends!’

Beyoncé sinorpresa ang Pinoy baby na si Tyler: ‘They’re officially friends!’

Beyonce, Baby Tyler

NAKAKATUWA naman ang sikat na international singer na si Beyoncé dahil mayroon pala siyang cute na cute na kaibigang Pinoy!

Siya’y walang iba kundi ang two-year-old baby na si Tyler, ang anak ng sports broadcasters na sina Bea Fabregas at Nikko Ramos.

Usap-usapan ngayon ang pagpapadala ng legendary singer kay Tyler ng bulaklak, laruan na may matamis na mensahe.

Naging magkaibigan ang tsikiting at si Beyoncé matapos mag-viral ang video ng una na ibinandera ng kanyang mommy sa social media.

Mapapanood na ilang beses na hinahanap ni Tyler ang international singer at pinagpipilitang magkaibigan sila.

Baka Bet Mo: Ano’ng meron sina Beyonce at Heart na gustung-gusto ni Kyline Alcantara?

@beafabregas Tyler this whole video: Hina naman ni mama hindi kilala si Beyonce 🤨 #fyp #momsoftiktok ♬ original sound – beafabregas

Ang cute video na ibinandera sa TikTok ay umaani na ng mahigit 19 million views, as of this writing.

Kwento ni Bea, nag-message sa kanya ang publicist ni Beyoncé at sinabi nito na napanood ng singer ang cute video ng kanyang anak.

At dahil diyan, proud na ibinandera ni Bea na “official friends” na si Tyler at ang iconic singer.

“For the record [Beyonce] and Tyler are now actually, officially friends!” caption niya sa latest Instagram post, kalakip ang picture ng bata at ang mga regalo sa kanya ng legendary music artist.

“Through the power of Queen B’s internet (millions of views and likes, it’s crazy!) she saw the video and sent over some of her favorite blue flowers, a new animal best friend for Tyler and the sweetest message that our family will now always treasure,” kwento ng broadcaster.

Chika pa niya, “In her note (which she started out with ‘To my friend Tyler’) she said, ‘I see your halo, Tyler’.”

“Tyler may be too young to remember all this, but I’ll always remind him to dream big and shoot for the stars!! BEYONCE SENT MY BABY FLOWERS!!!!” ani pa niya.

Taong 2020 nang ma-engage sina Bea at Nikko.

Makalipas ang isang taon ay biniyayaan sila ng anak na lalaki na si Tyler.

Samantala, kaka-release lang ni Beyoncé ng kanyang eighth studio album na pinamagatang “Cowboy Carter.”

May laman itong 27 tracks at gumawa ng kasaysayan sa Spotify bilang “most-streamed album in a single day” ngayong taon.

Nakuha rin nito ang titulong “most-first-day streams of a country album by a female artist” sa Amazon Music.

Read more...