Daniel Padilla nag-birthday kasama ang mga batang may cancer

Daniel Padilla nag-birthday kasama ang mga batang may cancer

PHOTO: Screengrab from Instagram/@captainluz

NGAYONG araw, April 26, ang ika-29th birthday ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla.

Pero alam niyo ba, nagkaroon na siya ng advanced celebration ilang araw na ang nakaraan.

Noong April 20 nang binisita ni Daniel ang Center for Health Improvement and Life Development (CHILD Haus) sa Manila, ang temporary shelter para sa mga batang may cancer.

Ang mga nakakaantig na kaganapan sa nasabing pagdiriwang ay ibinandera ng Star Magic handler na si Luz Bagalacsa sa kanyang Instagram page.

Mapapanood sa IG video ang masayang pakikipag-bonding ni Daniel kasama ang mga pasyente at staff ng CHILD Haus.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla iwas-iwas muna sa mga girls: I need to love myself first!

Makikita rin ang pamimigay niya ng mga laruan habang nakapila ang mga bata.

At bilang pasasalamat at regalo, si Daniel ay nakatanggap ng origami flowers at birthday cards mula sa mga pasyente.

“Advance Happy Birthday to our good philanthropist @supremo_dp [red heart emoji],” wika ng handler sa IG.

Sa pamamagitan naman ng Facebook, nag-post din ang ina ni Daniel na si Karla Estrada ng mga naging kaganapan sa selebrasyon sa CHILD Haus.

Ang caption niya, “Years and years of friendship and support…”

Sa comment section, maraming netizens at fans ang natuwa sa ginawang pagpapasaya ng aktor sa mga batang may cancer.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Advance happy birthday deej more blessings and continue helping those children. Godbless you [folded hands, blue hearts emojis]”

“We Love You Dj [red heart emojis] hindi kami magsasawang suportahan ka lalong lalo na ngayon sa bagong journey mo [happy face with hearts emojis] proud fan here [happy face with hearts emojis]”

“Happy birthday to our supremo, always remember we are all here for you to support and fight who bashing you…God bless you always, stay healthy and kind, humble person…God always guide you. Love you supremo [sunflower, purple heart emojis]”

“Mahal na mahal ka namin Deej, andito lang kami na kasuporta sayo palagi…being a solid fan proud na proud Ako sayo [blue heart emoji]”

“Congratulations mahal namin Bossing Daniel more blessings tuloy ang laban kahit ano man mangyari ngayon at sa huli ‘di ka namin iiwan ng mga solid fans mo [clapping hands, smiling face with hearts emojis].”

Read more...