MARAMING fans ang nabuhayan ng pag-asa nang makita si Kris Aquino sa isang video post recently.
Mukha kasing mas malusog ngayon ang Queen of All Media sa gitna ng pakikipaglaban niya sa mga sakit na autoimmune diseases.
Sa TikTok na ibinandera ni San Fernando, Pampanga Mayor Vilma Caluag, mapapanood na nagkaroon ng simpleng salo-salo para sa 17th birthday celebration ni Bimby.
Makikita rin sa video si Kris na nakangiti at ipinapakita ang suot niyang sweater na ang nakalagay ay, “You deserve to be happy.”
Baka Bet Mo: Kris Aquino ‘ipinagkatiwala’ sina Josh, Bimby sa pangangalaga ni Boy Abunda
Naikuwento rin ng dating TV host kung paano niya nakilala at naging kaibigan ang alkalde ng Pampanga.
“We’re very, very happy with our friend. Ten months ago, nakilala namin si Mayor Vilma,” sey ni Kris.
@vilmacaluagHappy birthday Bimb🎂 with Ms. Kris Aquino💛
Sa comment section, maraming fans ang nagpahayag ng kanilang pagkatuwa dahil ayon sa kanila ay mukhang gumagaling na si Kris.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Parang much better na siya tignan now; feel ko gagaling na siya.”
“It looks like Ms. Kris is recovering. Praying na magtuloy tuloy na paggaling niya.”
“Unti-unti na nagiging OK si Miss Kris.”
“Sana tuluyan nang gumaling si Ms. Kris [folded hands emojis]”
“She’s getting better. Wishing you all well [happy face with hearts emoji]”
Magugunita noong April 19, naging emosyonal si Kris sa ibinanderang birthday message para sa bunsong anak.
Inamin niya na hindi siya tumigil sa kakaiyak dahil naiisip niyang hindi na niya maaabutan ang 18th birthday ni Bimby dahil sa lumalala umano niyang kalusugan.
“I’m sorry for showing weakness yesterday when I cried nonstop because of my fear that I may not be around to be with you on your 18th birthday,” sey niya sa bahagi ng Instagram post.
Ani pa niya, “No matter how much physical pain I endure daily, my heart overflows with love because of your caring, selfless, unconditional love.”
Noong February 14, kasabay ng kanyang kaarawan ay nag-open up ang dating TV host na magiging “crucial” ang kanyang kalagayan sa mga susunod na anim na buwan dahil may malaking tsansa na magkaroon siya ng cardiac arrest anumang oras nang dahil sa bago niyang treatment.