NAGING hot topic ng mga netizens sa social media ang rebelasyon ni Atasha Muhlach kung magkano ang baon niya noon sa school.
Ayon sa isa sa mga host ng “Eat Bulaga”, noong nag-aaral pa lang siya ay P100 lang ang baon na ibinibigay sa kanya ng mga magulang na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.
Shookt ang financial expert at life coach na si Chinkee Tan nang marinig ito kay Atasha sa “Peraphy” segment ng “Eat Bulaga” kung saan siya ang naging contestant.
Tinanong kasi ni Bossing Vic Sotto si Atasha kung magkano ang baon nito noong nag-aaral pa lamang at nang sabihin nga ng dalaga ang halaga, nagulat si Chinkee.
“Wow! Grabe ha. Sino mga magulang mo? Parang gusto ko ipa-barangay,” ang birong hirit ni Chinkee.
Sagot ni Atasha, “Sila yung kaibigan mo po.”
Sey naman ni Vic, “100, oo okay na yun.”
Chika naman ni Chinkee na dati ring komedyante, baka $100 ang gusto niyang sabihin at hindi pesos dahil hindi nga siya makapaniwala na ang isang anak ng mga sikat na artista at ganu’n lang kaliit ang baon.
Pero inulit ni Atasha na 100 pesos lang talaga ang dala-dala niyang cash sa school.
Kasunod nito, kanya-kanya nga ng reaksyon ang mga netizens na nakapanood ng video clip na kuha mula sa “Peraphy” segment ng longest-running noontime show sa buong mundo.
Narito ang ilang comments na nabasa namin sa social media kung saan halos karamihan ay pinupuri sina Aga at Charlene sa magandang pagpapalaki sa kanilang kambal na anak.
“Sa ibang bansa sila nag aral. Nakaranas ng normal na buhay. Walang vip vip doon. Lahat pantay2. Kaya sobrang naappreciate nila ang maging special dito sa pinas.”
“Nakakatawa ung iba na nagko compare, ang point nila dito ay yung 100 lang ang baon nila eh kaya naman ng magulang na magbigay ng mas malaki, let’s just appreciate na maganda ang pagpapalaki ni Aga at Charlene sa mga bata, tsaka mapapansin din na magalang ang mga anak nila at marunong makibagay sa kapwa.”
“Wow malaki na yan, ako nga bente lang.”
“Ahahah 10pesos. Pag nawalan ka ng ballpen at papel don muna ibabawas ang ending minsan wla kang baon. Ahahah tas pauso pa yung ambagan sa floorwax.”
“Magbabaon pala???akala ko normal lng maglakad pauwi galing skul. tsk pamasahe lng papuntang skul pera ko….but i made it..thank you Lord.”
“20/week noong college days kasama na pamasahe dun. Kaya nagtitinda ako sa school ng mani at cornik para may pandagdag sa baon.”
“Maganda pagpapalaki sa knila ng mga magulang nila si Aga Mulach and Charlene,..kya kitang kita mo sa knila, sa kilos, pananalita ung magandang asal, may respeto at magagalang tlagang mga bata.”
“They are already Mature at a Young Age. Well Raised Children..”