JK ‘deja vu’ feels sa pagsuporta kay Dia Maté sa Miss Universe PH 2024

JK 'deja vu' feels sa pagsuporta kay Dia Maté sa Miss Universe PH 2024

JK Labajo at Dia Maté

ALIW na aliw ang netizens sa paandar ng Kapamilya actor-singer na si Juan Karlos Labajo para suportahan ang girlfriend niyang musician na si Dia Maté.

Isa sa mga official candidates sa Miss Universe Philippines 2024 si Dia na siyang representative ng Cavite.

In fairness, all-out ang support na ibinibigay ni JK sa kanyang dyowa sa kagustuhan at pag-asang masungkit nito ang titulo at korona sa Miss Universe Philippines pageant this year.

Baka Bet Mo: May bago na nga bang nagpapatibok sa puso ni JK Labajo?

Sa kanyang Facebook page, ni-repost ng “Ere” hitmaker ang isang art card kung saan makikita ang litrato ni Dia para sa swimsuit challenge ng pageant.

Nakasulat nga rito ang paraan kung paano iboboto ang kanyang dyowa upang manguna ang kanyang dyowa sa naturang challenge.

“Heya it’s me please vote for the beautiful bebe Ms Cavite through the MUPH app thank you,” ang caption ni JK sa kanyang FB post.


Makalipas ang ilang sandali, nag-comment nga si Juan Karlos sa sarili niyang Facebook status. Hirit niya, “haha deja vu.”

Baka Bet Mo: Juan Karlos, Miss Universe PH Cavite 2024 nagpalitan ng ‘I love you’

Libu-libong likes at comments ang nabasa namin sa post na iyon ng Kapamilya star. Kaya ang hirit naman ni JK, “Wag nga ano baaaaa!?”

Sey pa niya, “’Pag ito talaga ma news na naman wag kasi kayo maingayyyy.”

Sa mga hindi pa masyadong aware at sa mga nakalimot na, bago niya naging dyowa si Dia, naging girlfriend din ni JK ang actress-beauty queen na si Miss Universe Philippines 2021-1st Runner-up Maureen Wroblewitz.

Halos tatlong taon ding tumagal ang kanilang relasyon. Naghiwalay sila noong 2022.

Read more...