Diwata binabalikan ng mga ex-dyowa mula nang yumaman

Diwata binabalikan ng mga ex-dyowa mula nang yumaman at sumikat

Ervin Santiago |April 25,2024
facebook
share this

Diwata binabalikan ng mga ex-dyowa mula nang yumaman at sumikat

Ervin Santiago - April 25, 2024 - 12:21 PM

Diwata binabalikan ng nga ex-dyowa muna nang yumaman at sumikat

Diwata at Rendon Labador

MULA nang sumikat at makaahon sa matinding kahirapan, marami nang nagbago sa buhay ng social media star na si Diwata.

Inamin ni Diwata o Deo Balbuena sa tunay na buhay na biglang naglabasan ang mga kamag-anak niya simula nang gumanda at umasenso ang takbo kanyang buhay.

Isa ito sa naging rebelasyon ng content creator at may-ari ng sikat na sikat na ngayong Diwata PARES Overload, nang makachikahan niya ang motivational speaker na si Rendon Labador.

Sumugod sa paresan ni Diwata si Rendon para matikman ang ipinagmamalaki nitong pares overload na talaga namang dinadayo ng kanyang mga parokyano mula sa iba’t ibang bahagi ng NCR at kalalit probinsya.

Baka Bet Mo: Diwata arestado sa kasong slight physical injuries, nagpiyansa ng P3K

Ayon kay Rendon, na-curious, na-inspire at na-motivate siya nang bonggang-bongga sa P100 meal nito na unlimited pares, sabaw, at rice na ginaga na ring content ngayon ng mga celebrity vloggers at influencers.

“Marami na naglalabasan na kamag-anak mo?” ang tanong ni Rendon kay Diwata.

“Marami na talaga. Hindi lang kamag-anak, pati mga dati kong dyowa, bumabalik na rin sa akin,” ang sabi ni Diwata kay Rendon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Inamin naman ni Diwata na inatake raw siya ng nerbiyos nang malaman niyang pupuntahan siya ni Rendon sa pag-aaring paresa dahil baka raw i-bash siya nito.

“Kinabahan ako nu’ng nalaman kong pupunta ka kasi akala ko iba-bash mo ako,” sey daw ni Diwata sa social media personality.

Sey naman ni Rendon sa kanyang Facebook post, “Sabi ko nagbago na ako, kaya nga #LabLabLabador na.

Baka Bet Mo: Diwata sa isyung ginagatasan daw siya ng vloggers: ‘Nakakatulong pa sila!’

“Binigyan ko ng isang buong Lechon De Las Piñas si Diwata bilang pasasalamat sa pagiging inspirasyon sa mga kababayan nating gustong mag tagumpay buhay. Supportahan natin si Diwata,” chika pa ni Rendon.

Kasunod nito nanawagan din si Rendon na patuloy na suportahan ng madlang pipol si Diwata sa negosyo nito at iba pang mga proyekto.

Narito naman ang ilang reaksyon ng mga netizens sa pagdalaw ni Rendon kay Diwata.

“Grabe ang blooming na ni diwata, bagay na bagay sa kanya yung shades na suot nya.”


“Iba talaga si idol malaki na ang pinag bago sobrang bait na.”

“Ganyan dapat Mag tulongan at magkaisa SA MGA taong nagsisikap Para makaahon SA khirapan Yan dapat ang lalong tinutularan. god bless diwata.salahat Ng iyong pagsisikap SA buhay Hindi k pinabayaan n lord Kaya lalo Lang bless n lord.keep safe always.”

“Wow.. Thats good Rendon Labador , lalong lalakas ang loob ni Diwata nyan at lalong mag sumikap akalain mo ikaw ang pinaka extreme basher sa pinas ay napa belib kay Diwata… What i can say is your Amazing bro.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sarap tingnan bawat Pilipino nagkakaisa at tinutulungan umangat ang bawat Isa. spread Love.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending