Phillip binanatan sa pagtakbong senador sa 2025, Cristy Fermin umalma

Phillip binanatan sa pagtakbong senador sa 2025, Cristy Fermin umalma

Phillip Salvador at Cristy Fermin

BAKIT kasi ang aga namang mag-anunsyo ng aktor na si Phillip Salvador na kakandidato siyang senador para sa 2025 midterm elections?

Nu’ng Abril 19 niya ito inanunsyo nang tanggapin niya ang alok ng PDP-Laban political party. Ang long-time friend niyang si Sen. Bong Go raw ang naglapit sa kanya kasama ang iba pang politiko.

Base sa pahayag ni Ipe, “Mananatili ako sa PDP hanggang sa huli kong hininga. Tandaan ninyo. Maraming salamat po. Ako po si Phillip Salvador, hindi po ako abogado, hindi po ako doktor, hindi po ako engineer, ako po’y isang artista ng PDP na magiging epektibong magserbisyo sa mga Pilipino.”

Baka Bet Mo: Phillip binanatan ang ilang nakaupong politiko; tinabla na nga ba ang mga kaibigan sa Senado?

At dahil dito sa mga binitiwang salita ng aktor ay kaliwa’t kanan ang bashing sa kanya na bago raw siya magsilbi sa bayan ay unahin muna niyang padalhan ng sustento ang anak na si Joshua kay Kris Aquino na 29 anyos na sa darating na Hunyo 4.

May nagsabi pa na hindi ulit mananalo ang premyadong aktor dahil hindi niya kayang gampanan ang pagiging ama sa anak na si Josh kaya paano niya pagsisilbihan ang bayan?


Hindi na bago ang pagtakbo ni Phillip dahil nauna na siyang kumandidato noon sa Mandaluyong at Bulacan pero hindi nagwagi.

Sa “Showbiz Now Na” vlog nina Nanay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika na in-upload sa YouTube channel ngayong hapon ay ipinagtanggol ng una si Ipe.

Ani ‘Nay Cristy, “Alam n’yo po ganitong-ganito ang narinig nang tumakbo si Senator Robin Padilla. Minaliit, pinintasan at kung anu-ano pa po ang ibinato, ano po ang naganap nang magkabilangan na, number one!

“Kaya huwag po nating unahan, ‘wag po nating mamaliitin si Philip Salvador kasi malay natin na baka ang kapalaran ni Robin ay maging kapalaran rin niya, di ba?” sabi ng beteranang manunulat at radio-online host.

Hirit naman ni Wendell, may positibo naman siya kay Kuya Ipe (tawag kay Phillip sa showbiz) dahil magaling ang PR nito at matulungin din kahit hindi nito kakilala.

Ayon pa kay ‘Nay Cristy, “Heto naman po ay pinapakinggan naman naming ang komento na kung si Joshua nga hindi mo sinusustentuhan ito pa kayang Republika ng Pilipinas ang makaya mong tulungan at suportahan?

Baka Bet Mo: Lolit hinangaan ang tatag ng loob ni Kris sa pagpapalaki kay Josh at Bimby

“Marami po tayong kuwento na hindi alam tungkol kay kuya Ipe at kay Kris Aquino at kay Joshua.

“Hindi po ‘yan lantad sa publiko at alam po namin at siguro nga po kapag malapit na talaga ang eleksyon sasagutin isa-isa ni kuya Ipe ‘yung mga ibinabato sa kanya,” makahulugang sabi ng “SNN” host.

Sabi naman ni Romel Chika, “Wow excited ako diyan kapag hindi maganda ‘yung mga patutsada roon, heto na pagkakataon na niyang liwanagin ang lahat.”

“Kung natatandaan pa ninyo mga ka-chika nu’ng magkahiwalay po sina kuya Ipe at si Kris Aquino wala po tayong narinig kay Kris na marahas kagaya nu’ng naghiwalay sila ni Mayor Joey Marquez at saka ni James Yap…ang tindi po, pero kay kuya Ipe tahimik ‘no?


“Wala siyang sinabing wala siyang sustento kay Josh, bakit? Kasi po nu’ng mga panahon na ‘yun may pera si kuya Ipe. Meron siyang pera hindi siya pupuwedeng laitin ng kampo ni Kris Aquino.

“Naalala ninyo di ba, pag gumagawa ng pelikula ang mga artista meron sa kontrata ang nakalagay na ang TV rights ay akin. Ako ang may karapatan na magbenta ng kopya sa mga TV stations (binanggit din ang pangalan ni Sen. Bong Revilla na ganito rin ang deal).

“Nu’ng nagsasama na sila ni Kris Aquino ay ibinenta niya ‘yan sa isang network at umabot ng P35 million plus, malaki di ba? Kaya hindi puwedeng sabihin ni Kris Aquino na nu’ng magsama kami ay wala siyang (Ipe) pera at ako ang bumuhay sa kanya. Hindi po natin naringgan si Kris ng mga ganu’n salita kasi hindi naman totoo ‘yun!” sabi pa.

Nabanggit pa nu’ng nagkarelasyon ang dalawa ay pumayag si Kris na siya’y itakwil ng pamilya, pumayag ding huwag makatanggap ng mana dahil kay Philip Salvador.

Dagdag pa ni Nay Cristy, “Meron po kaming alam na kuwento tungkol sa pagkapanganak kay Joshua, siguro po gusto naming sabihing tatlo ngayon pero mas maganda kung manggaling direct from the horse’s mouth kung ano ang unang sapok na naramdaman ni kuya Ipe sa pamilya ni Kris Aquino ng dahil kay Josh.

“Saka ‘yung sinasabing hindi ka na nga nagsusustento, ‘yun pa kayang taumbayan ang asikasuhin mo meron po kayong hindi alam na kuwento bukod po do’n sa pinagbentahan ng kanyang TV rights ng mga pelikula niya,” sabi pa ng host.

Nasambit noon ni Kris na kaya niyang palakihing mag-isa ang anak na si Josh dahil nawalan ng pera noon ang aktor matapos mawalan ng trabaho.

“Paano mo tutulungan ang anak mo kung ganu’n (jobless), tapos sinabi pa ni Kris na kaya niyang palakihin nh ako lang,” saad pa ni nay Cristy.

At sa pagkandidato ng dating aktor ay dapat siya mismo ang magklaro ng mga isyu para maliwanagan ang lahat.

Read more...