“SIGURO workshop muna siya!” Ito ang sagot ng taga-Star Cinema nang hingan namin ng reaksyon sa sinabi ng GMA artist na si David Licauco na gusto niyang makagawa ng pelikula sa ABS-CBN.
To quote David, “Yun ‘yung dream ko. Siguro para magkaroon sila ng interes sa akin, siguro kailangan ko pang pagbutihin ‘yung pag-acting ko para balang araw…
Baka Bet Mo: Albie hindi welcome sa burol ni Jaclyn: So, bakit ako makikiramay?
“Gagalingan ko dito so that I can at least submit a case for them na tipong, ‘Hey! Maybe you can try me out as one of your actors sa Star Cinema,’” sabi pa raw ni David
Matatandaang sa ABS-CBN nadiskubre si David noong sumali siya sa Mr. and Ms. Chinatown 2014 at doon na siya nadiskubre sa modelling at later on umarte na.
Bagama’t may exposure na siya sa ilang Kapamilya network noong may prangkisa pa tulad ng “FlordeLiza”, “Ipaglaban Mo”, at napasama sa “Amazing Praybeyt Benjamin” ni Vice Ganda noong 2014 ay hindi na nasundan pa.
Hanggang sa mapanood na siya sa GMA 7 at nabigyan ng magandang exposures sa maraming shows at nagkaroon ng big break sa “Maria Clara at Ibarra.”
Baka Bet Mo: Oyo gusto nang magpa-sperm count noon; Kristine game pa ring magbuntis kahit 5 na ang anak
Muli naming tinanong ang aming kausap kung may posibilidad na makagawa si David ng pelikula sa Star Cinema.
“Lahat naman ay welcome, pero siyempre alam mo naman dapat marunong umarte hindi puwedeng puchu-puchu lang. Ang tanong, papayagan ba siya, e, taga-Sparkle siya?” sagot ng aming kausap.
Sa pagkakaalam namin ay puwedeng gumawa ng pelikula ang Sparkle artists hindi lang TV shows dahil may mga alam kaming artists na gumagawa sa labas ng GMA Films lalo na kung wala namang offer.
O, hayan David welcome ka naman pala sa Star Cinema, iyon nga lang kailangan mong mag-workshop at pagbutihan ang pag-arte mo baka nga mapansin ka rin pagdating ng tamang panahon.
Tulad ni Alden Richards, sino ang mag-aakala na gagawa sila ng pelikula ni Kathryn Bernardo, e, at that time kainitan ng tambalang KathNiel, di ba?
And it turned out na ikalawa ang “Hello, Love, Goodbye” sa may pinakamataas na kinita sa local films at heto nga at may “HLG2” na.