David sasailalim sa medical procedure dahil sa 'sleep apnea'

David sasailalim sa medical procedure para magamot ang ‘sleep apnea’

Ervin Santiago |April 24,2024
facebook
share this

David sasailalim sa medical procedure para magamot ang ‘sleep apnea’

Ervin Santiago - April 24, 2024 - 04:50 PM

David sasailalim sa medical procedure para magamot ang 'sleep apnea'

David Licauco

TULOY na tuloy na ang gagawing medical procedure kay Kapuso actor at Pambansang Ginoo na si David Licauco.

Sasailalim sa gamutan ang ka-loveteam ni Barbie Forteza ngayong buwan para mawala na ang kanyang sleep disorder na tinatawag na sleep apnea.

Baka Bet Mo: Angeline sa mga gustong magparetoke: Go! Hindi mo naman ninakaw ‘yung perang ibabayad mo!

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang sleep apnea ay isang serious sleep disorder na paulit-ulit na tumitigil at muling nagsisimula ang paghinga ang isang tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang taong may kundisyon na ganito ay  malakas humilik at nakararamdam ng sobrang pagkapagod kahit kakagising lamang.

Ayon kay David, sana raw ay tuluyan nang mawala ang iniinda niyang karamdaman once na gawin sa kanya ng mga doktor ang naturang procedure.

“I just can’t wait for that day na mas maging okay ako dahil it’s affecting my daily life, my mental health, so I want to do it. I just want that to be over para mas, again, to live my best life,” ang pahayag ni David sa panayam ng “24 Oras.”

Baka Bet Mo: Enchong may makakatrabahong Hollywood star; walang isyu kay Paul Soriano

Siyempre, hoping and praying din ang leading lady ng aktor na si Barbie Forteza na maging successful ang  gagawing surgery sa kanya.

Napag-usapan daw nila ni David ang tungkol sa sakit nito at sa pagpapagamot nito nang magkasama sila sa Canada para sa Sparkle tour.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miguel Pastor (@migspastor)


“Siyempre, I’m hoping na magiging maganda ‘yung resulta, hindi ba?

“And it will be for his improvement, para hindi na rin siya gaanong ma-challenge when it comes to working late or having to wake up early,” ayon pa kay Barbie.

Inamin ng Kapuso Primetime Drama Princess na noong bago pa lamang ang kanilang tambalan ay wala siyang idea na may problema ang hunk actor sa pagtulog.

Ito raw pala ang isa sa mga dahilan kung bakit nale-late kung minsan si David sa kanyang mga commitments.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa mga BarDa fans, muling magtatambal sina Barbie at David sa upcoming GMA series na “Pulang Araw” kung saan makakasama rin sina Sanya Lopez, Dennis Trillo at Alden Richards.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending