WALANG katotohanan ang tsismis na pinagbabawalan ni Oyo Sotto na bumalik sa pag-arte ang kanyang wifey na si Kristine Hermosa.
Yan ang nilinaw ng aktor nang makachikahan ng ilang members ng showbiz press sa 70th birthday celebration ng kanyang amang si Bossing Vic Sotto sa “Eat Bulaga” last Saturday.
Nag-duet sina Oyo at Kristine Hermosa sa “Eat Bulaga” para sa birthday nga ni Bossing Vic. At pagkatapos nga ng kanilang production number ay nakipagchikahan nga sila sa media na naimbitahan sa pa-surprise ng mga Dabarkads at ng TV5.
Baka Bet Mo: Pamilya ni Oyo hindi boto noon kay Kristine: Mataray daw, masama ugali pero kabaligtaran lahat
Isa sa mga naitanong kay Oyo kung payag ba siyang mag-artista uli ang kanyang wifey, “Okay lang naman sa akin kung gusto ni Kristine. Siya kasi ang may ayaw.
“Ayaw na niya sa mga drama. Nakakapagod daw,” dagdag pa ni Oyo. Feeling niya, baka raw tanggapin ni Tin kapag inalok siya ng sitcom.
Pero sa ngayon daw ay imposible pang magbalik sa aktingan si Kristine dahil buntis nga ang kanyang misis, “Puwede naman siguro after niyang makapanganak. Bale four months na.”
Sa naging panayam naman namin kay Kristine, natanong kung payag ba siyang makatrabaho uli si Jericho Rosales sa isang teleserye at pelikula.
Baka Bet Mo: Kristine, Oyo namamalo ng mga anak; bawal na bawal din ang gadgets at TV
“I think…well depende talaga. Depende po sa project. Depende sa mga eksena. Basta depende. I need to see everything muna.
“Talagang i-filter ko muna lahat. Kung worth it naman ang gagawin namin hindi ‘yung masabi lang na may ginawa kami together,” sey ni Kristine.
Pero okay ba kay Oyo? “Wala naman pong problema sa kanya. Very professional naman din kumbaga kung gusto ko, susuportahan naman niya. Okay naman siya.
“The thing is ako ‘yung talagang…choice ko talaga na.. ayoko kasing gumagawa ng kung anu-ano lang. Kumbaga if gagawa ako, something that’s worth it naman.
“Worth my time, ‘yung effort ko tapos siyempre iiwanan ko ‘yung mga anak ko, ‘yung ganu’n. Basta ‘yung magandang project. Iyong may katuturan,” aniya pa.
“Hindi ko po alam kung ano man ito. Basta may katuturan. ‘Yung malalaman mo na, you feel na ah okay Lord gusto mong ipagawa sa akin ito. Kasi I would hear God naman, eh.
“Alam ko naman ‘yung may go signal ni Lord, why not ‘di ba? Kung may go signal ni God. So ‘yun lang. Lagi naman ‘yung go signal lang ‘yung inaantay ko,” aniya pa.