KAABANG-ABANG ang upcoming new movie ng hit action na “Transformers!”
Ito ang animated film na “Transformers One” na nakatakdang ipalabas sa Pilipinas sa darating na September 18.
Kakaiba ang pag-release ng first look ng pelikula dahil ginawa ito sa kalawakan!
Ang exciting news pa, ang isa sa mga bibida at magbibigay-buhay sa mga karakter ay ang sikat na Hollywood actor na si Chris Hemsworth!
“The action-adventure’s first trailer debuted as a literal space launch, journeying into space for an hour, 125,000 feet above the earth,” sey sa pahayag ng Paramount Pictures.
Baka Bet Mo: Chris Hemsworth tigil muna sa showbiz, natuklasang prone magka-Alzheimer’s disease
Ani pa, “At its peak, the trailer was revealed with a custom introduction video from Chris Hemsworth, who lends his voice as Orion Pax, and Bryan Tyree Henry, who will voice D-16.”
Mapapanood sa pasilip ang throwback na mga kaganapan sa Transformers kung saan ay hindi pa nagaganap ang tinatawag na Cybertron war.
Ibig sabihin niyan, hindi pa magkaaway sa upcoming movie na ‘yan sina Optimus Prime at Megatron.
Narito ang synopsis ng animated movie:
“‘Transformers One’ reveals how Orion Pax and D-16, once brothers-in-arms turn into sworn enemies as leader of the Autobots, Optimus Prime, and founder of the Decepticons, Megatron.”
Maliban kay Chris, magsisilbing voice actors din sina Scarlett Johansson bilang “Elita-1,” Keegan-Michael Key as “B-127,” kasama sina Steve Buscemi, Laurence Fishburne, at Jon Hamm.