First-ever AI beauty pageant ikinasa na, ang premyo halos P750,000

First-ever AI beauty pageant ikinasa na, ang premyo halos P750,000

INQUIRER stock photos

IBANG level na talaga ang teknolohiya, lalo na pagdating sa artificial intelligence o ‘yung tinatawag nating AI.

Maliban kasi sa ChatGPT na usong-usong gamitin ng madlang pipol ngayon, nauuso na rin ang AI-generated online influencers na gayang-gaya ang itsura ng isang tunay na tao.

At dahil nga diyan, ikinasa na ang kauna-unahang beauty pageant na ang tawag ay “Miss AI” na para sa AI-generated models o avatars.

Bahagi ito ng World AI Creator Awards (WAICA) na ginawang posible gamit ang social influencer platform na Fanvue.

Ayon sa official website ng WAICA, “it will celebrate the technical skill and work behind digital influencer personas from across the world.”

Baka Bet Mo: GMA ipinakilala ang AI-generated sportscasters, netizens may iba’t ibang reaksyon

Sino-sino at paano nga ba salihan ang nasabing kompetisyon?

Ang “Miss AI” ay bukas sa lahat sa buong mundo basta’t may roong social media presence at may binuong AI model.

Ang mga qualified ay dapat nasa edad 18 pataas at may wastong pagkakakilanlan.

Ang mga mananalo ay base sa mga sumusunod na criteria:

Beauty: Susuriin nila ang mga kandidato batay sa itsura.

Tech: May additional points ang mga kalahok depende sa husay at ginamit na mga tool upang makalikha ng AI avatar.

Social Clout: Ire-rate ang mga AI influencer batay sa kanilang online fan engagement, audience growth rate, at paggamit ng mga social media platform tulad ng Instagram.

Ayon sa website, ang pipiliing champion ay mananalo ng $13,000 o halos P740,000; ang second place ay $5,000 o mahigit P287,000 at ang third place ay makakakuha ng $2,000 o mahigit P115,000.

Ang announcement of winners ay mangyayari sa darating na May 10.

Read more...