NADISMAYA at mukhang sising-sisi ang TV host-actress na si Maine Mendoza matapos paputulan ulit ang kanyang buhok.
Alam naman nating short hair na si Maine, ngunit ayon sa kanyang TikTok post ay lalo pa niya itong pinaiksian sa ibang bansa.
Ibinandera pa nga niya ang kanyang hair transformation na kung saan ay tila excited pa siyang nagpunta sa salon.
Kwento niya, nais niyang ma-experience ang pagpapagupit sa isang sikat na hair salon, pero nang makita niya ang resulta ay aminado siyang pinagsisisihan niya ito.
Baka Bet Mo: Maine nag-react sa ‘blind item’ na tungkol sa host na suplada, mataray
“When you are in a foreign country and you make a spontaneous decision to get a haircut at a well-known hair salon for the [sparkle emoji] experience and spontaneity [sparkle emoji] only to regret it later,” caption ni Maine.
Ani pa niya, “Post ko pa din, for the occasional Tiktok content [single tear emoji].”
@mainemendozaataydeWhen you are in a foreign country and you make a spontaneous decision to get a haircut at a well-known hair salon for the ✨experience and spontaneity✨ only to regret it later. Post ko pa din, for the occasional Tiktok content. 🥲
Sa comment section, maraming netizens naman ang nagsasabing bumagay sa kanya ang bagong hairstyle.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Okay lang bagay parin sayo maganda ka parin Maine Cutie [smiling face with hearts emoji]”
“ANG GANDAAA BAGAYYYY [smiling face with heart eyes emojis]”
“It’s actually not that bad, it will quickly grow back…for a minute there I thought you had a pixie haircut.”
Sa Twitter, inihayag din ni Maine ang kanyang pagkadismaya at may isang fan ang nagsabing, “I like your long hair before @mainedcm…pahabain mo nalang ulit plzzzz…[blushing happy face emoji]”
Ang sagot naman sa kanya ng aktres, “I like my short coz it’s so light (but not this short ha), and tbh i don’t think magpahaba pa ako ever [peace sign emoji].”
May isa pang netizen ang nagulat sa buhok ni Maine at sinabing, “Ang iksi na ng hair mo!” kalakip ang selfie picture ng TV host na tila parang umiiyak.
Tugon sa kanya ng aktres, “Alam ko po iniyakan ko na nga diba [crying emoji].”