Ruru may matinding pangako kay Bianca: ‘Ikaw pipiliin ko sa araw-araw’

Ruru may matinding pangako kay Bianca: ‘Ikaw pipiliin ko sa araw-araw’

PHOTO: Instagram/@rurumadrid8

KILIG to the max ang maraming fans ngayong ipinagdiriwang ng celebrity couple na sina Bianca Umali at Ruru Madrid ang ika-70th monthsary nila.

Yes, yes, yes mga ka-BANDERA, mahigit limang taon nang magdyowa ang dalawa at mukhang lalo pa silang nagiging strong habang tumatagal.

Sa Instagram, ibinandera ni Ruru ang super sweet picture nila ni Bianca at may binitiwan pang pangako para sa dalaga.

“Seventy months of love, laughter, and endless adventures together,” panimula ng aktor sa caption.

Baka Bet Mo: Ruru Madrid binabagyo ng blessings; bongga na ang career, swerte pa sa lovelife

Mensahe niya sa aktres, “Mahal, your love and support mean the world to me. Thank you for choosing to love me every day.”

“At pangako ko na ikaw lang ang pipiliin ko sa araw-araw, pangako ‘yan,” giit pa niya sa post.

Ani pa niya, “Here’s to a lifetime of love and countless memories with you, my forever and always.”

May matamis na reply naman sa kanya ang aktres na makikita sa comment section.

Sey niya, “Sa araw araw ng habang buhay minahal, mahal na mahal at mamahalin kita, Ruru, mahal ko. Saksi ang Ama sa ating dalawa.”

Libo-libong netizens naman ang kilig na kilig sa sweetness ng dalawa at heto ang mga nabasa namin sa comment section:

“Bagay talagang maging buklod!!! [happy face with hearts emoji]”

“Naiyak ako [crying emoji] Praying for your lifetime relationship. MAHAL ko kayo RuCa [red heart emoji]”

“Lab ko kayo! Praying for your happiness always! [red heart emoji]”

“Stay inlove, lovebirds [heart emoji] end game na ‘to”

“KELEGMATSSSS!!!! [fire emojis]”

“Kasalan na ba toh @rurumadrid8 @bianxa road to forever [red heart emojis]”

Read more...