“NAKAKATULONG pa sila sakin!”
‘Yan ang naging paglilinaw ng viral street food vendor at internet personality na si Diwata kaugnay sa kumakalat na isyu na ginagatasan daw siya ng vloggers.
Na-open ang topic nang tanungin siya ng video creator na si Art TV na ibinandera sa Facebook.
Hindi maintindihan ni Diwata ang usap-usapang kontrobersiya dahil hindi naman daw siya hinihingian ng pera ng mga vloggers.
Malaking tulong pa nga raw ang pagpunta ng mga ito sa kanyang paresan dahil mas nakikilala ang kanyang negosyo at dumadami ang mga nagpupunta.
Baka Bet Mo: Cristy Fermin hiniling na huwag silang pag-awayin ni Lolit Solis: Hindi kami mga manok panabong
“Hindi ko iniisip na ginagawa akong gatasan kasi in the first place, wala naman silang hiningi na pera bagkus nakakatulong pa sila sa akin para i-vlog, para dumami ‘yung customer, dumami ‘yung makakita para makilala ang Diwata Pares,” paliwanag ng sikat na social media star.
Patuloy niya, “So pagdating diyan, sa gatasan na words, hindi ko na alam kung paanong gatasan kasi hindi naman kayo nanghihingi sakin ng pera, wala naman akong binibigay. Pag kumain kayo, nagbayad naman kayo.”
Sinabi pa nga ni Diwata, walang pinipili at bukas ang kanyang tindahan sa lahat – kahit ito raw ay mga basher at hater.
“Sabi ko nga, welcome lahat dito –bashers, vloggers, newscasters, honest review, hindi honest review…welcome!” aniya.
Sa comment section, maraming fans ang lalong humanga at bumilib sa kabaitan at pang-uunawa ni Diwata.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Napakabait at napaka-professional talaga. Kahit sinasabi inya na hindi siya nakatapos ng pag-aaral pero ang ugali niya napaka-humble. Sana ‘wag kang magbago langga [folded hands, red heart emojis].”
“Buti pa si Diwata maunawaan kayo pero ‘yung ibang nakaangat na ‘di nila maintindihan ang point kung bakit content niyo si Diwata. Ang importante lang naman you ask permission to take videos and respect his business ‘wag maging sagabal sa negosyo ng tao. Your content has a purpose also, you earn money but in return you’re giving him free promotion in his business.”
“Yeah true! Dapat magtulungan tayo para umangat bawat isa hindi para ilaglag ang isa’t-isa kaya mas mdami pa blessing dadating sayo.”
“Kaya siya blessed kasi totoong tao siya. Wala siyang taong tinatapakan at wala siyang paki kung aangat ka kasi gusto niya pareho tayong aangat sa buhay.”
Samantala, kamakailan lang ay inaresto si Diwata dahil sa kasong “slight physical injuries” na isinampa laban sa kanya noon pang 2018.
Hinuli ng mga kooperatiba ng Pasay City police Warrant and Subpoena (WSS) si Diwata o Deo Balbuena sa tunay na buhay nitong Martes ng umaga, April 16.
Base sa report, inaresto ang social media star bandang alas-10 ng umaga sa pag-aari niyang paresan na matatagpuan sa Diokno Boulevard, Brgy. 76, sa Pasay City.
Ngunit agad din namang nakalaya si Diwata matapos makapagpiyansa ng halagang P3,000.