Kaye ‘ugly version’ daw ni Iza Calzado sey ni DJ Mo: Tanggap ko yun!

Kaye 'ugly version' daw ni Iza Calzado, sey ni DJ Mo: Tanggap ko yun!

Iza Calzado at Kaye Abad

INSECURE ako!” Yan ang diretsahang pag-amin ni Kaye Abad nang mapag-usapan ang tungkol sa usaping self-confidence.

Nagpakatotoo ang Kapamilya actress sa pagsasabing nakakaramdam pa rin siya ng insecurity kahit na happy at kuntento na siya sa buhay niya ngayon.

Sa pakikipagchikahan ni Kaye kay Boy Abunda sa nakaraang episode ng “Fast Talk” bg GMA 7, ay natanong nga siya kung inaatake pa ba siyang matinding insecurity kahit na matagal-tagal na rin siyang napahinga sa showbiz industry.

Baka Bet Mo: Maxene umaming nagiging judgmental kapag feeling insecure: ‘Not healthy’

“Yes, palagi. Ewan ko Tito Boy, insecure ako!” natawang sagot ni Kaye. Kaya naman nagulat ang award-wining TV host na sumundot ng tanong kung bakit, e, ang ganda-ganda naman niya.


Sey ng aktres, “Sa height ko, na sabi ko nga magpapa-chiro(practor) ako baka tumaas-taas pa ako kahit 1 inch lang.

“Magpapa-stretch lang ako ng konti. Sa height ko, insecure ako sa height ko,” pag-amin niya.

Nabanggit din ni Kaye ang naging komento noon ni DJ Mo Twister tungkol sa kanyang itsura kung saan tinawag daw siya nitong “ugly version” ni Iza Calzado.

“Sa itsura ko, yes. Everytime magge-guest ako sa ‘yo, yun talaga yung topic na hindi talaga.

Baka Bet Mo: Kaye Abad gusto munang karirin ang pagiging nanay, babalik lang sa showbiz kung…

“I would look at my face in the mirror always na hindi ako pangit, hindi ako napapangitan sa sarili ko.

“Hindi ko sinasabi na pangit ako, pero hindi ako nagagandahan, hindi ako yung talagang maganda,” sabi pa ni Kaye.


Sunod na question sa kanya ni Tito Boy, “If you were to look like someone, who comes to mind first?”

“Iza Calzado,” ang mabilis na sagot ni Kaye na sinang-ayunan ng TV host, “Ahhh! Beautiful.”

Pagpapatuloy ni Kaye, “Sinabi nga ni Mo Twister yun e, na ako raw ang ugly version ni Iza Calzado.

“At sinabi ko kay Iza Calzado yun, at tatanggapin ko yun. At least ugly version,” nakangiting sey ni Kaye.

Reaksyon naman ni Tito, “Pero, I was about to tell you na magkahulma halos ang kulay. Merong datingan na ganu’n, e.

“She’s a beautiful, beautiful woman inside and out,” sey pa ng TV host.

Read more...