Ina Raymundo: Imagine ‘yung anak mo hate ka, ang hirap nu’n as a mom!

Ina Raymundo: Imagine 'yung anak mo hate ka, ang hirap nu'n as a mom!

Ina Raymundo, Jakob Poturnak at Donny Pangilinan

NAGPAKA-FAN girl ang aktres at certified hot mama na si Ina Raymundo sa phenomenal Kapamilya loveteam na sina Belle Mariano at Donny Pangilinan.

Ibinandera ni Ina na talagang isa siya sa mga nagsi-ship at humahanga sa tambalang DonBelle kahit noong hindi pa niya nakakatrabaho ang mga ito.

Sa finale mediacon ng hit ABS-CBN series nilang “Can’t Buy Me Love”, puro papuri ang ibinigay niya kina Belle at Donny at sa lahat ng nakasama niya sa serye.

Nagpasalamat din siya sa ABS-CBN at Star Creatives dahil isinama siya sa “Can’t Buy Me Love” bilang nanay ng karakter ni Donny as Bingo.

Baka Bet Mo: Ina Raymundo naging ‘instant nurse’ nang magka-COVID-19 ang pamilya, nag-share ng first-aid tips

“They are such good people and they’re very good actors. I’m a fan for DonBelle kasi they are so young but so experienced in life and the way they carry themselves.


“I’m so proud to work with all of them,” ang sabi pa ni Ina sa presscon ng “Can’t Buy Me Love.”

Inamin din ng aktres na parang hindi rin tumatanda at seksing-seksi pa rin kahit apat na ang anak, na meron siyang ini-imagine lagi da madadramang eksena nila ni Donny.

Iyan ay walang iba kundi ang anak niyang si Jakob Poturnak, na nag-aaral ngayon sa Amerika at part din ng kanilang college baseball team.


“I’m thankful si Donny ang katrabaho ko kasi it was easy for me to show emotion kasi emotional ‘yung mga scenes namin. Imagine more ‘yung anak mo can’t forgive you, hate ka, ang hirap nu’n as a mom.

“Parang imagine ko parang si Jakob na hate ako it breaks my heart into tiny pieces. So iyon ang daling i-channel with Donny,” pahayag ni Ina.

At knows n’yo ba na kapag may mahihirap at intense na mga eksena siyang gagawin sa kanyang mga projects ay talagang nagdarasal siya nang bonggang-bongga.

“I would call my sister, my prayer warriors and ask them to please pray for me so I would also pray in tongues. So it’s really God who helped me,” sey pa ni Ina Raymundo.

Read more...