SINIMULAN na ng Diocese of Laoag ang malalimang pagsisiyasat sa buhay ni Niña Ruiz-Abad na maaaring ideklarang santo.
Nagpakita raw nang malalim na pananampalataya sa Panginoong Diyos para mai-consider siyang maging next Filipino saint.
Kaya naman nakaabang na ang sambayanan sa mga susunod na kahanapan kung maaari nga bang maging santo si Niña at ma-canonize ng Simbahang Katoliko.
Kamakailan, ibinandera ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang official portrait ng 13-anyos na dalagita na siya ring naging hudyat sa pagsisimula ng “beatification and canonization” nito.
Baka Bet Mo: Ikatlong Pinoy bishop sa Amerika itinalaga ni Pope Francis
“The official portrait of the Servant of God, Niña Ruíz-Abad, was presented to the public during the opening session of the diocesan phase of her cause for beatification and canonization at the Cathedral Church of St. William the Hermit in Laoag City on Sunday, April 7, 2024,” sabi sa official statement ng CBCP.“
Pero sa lahat ng mga hindi pa nakakakilala kay Niña Ruiz-Abad, narito ang ilang detalye hinggil sa naging banal na pamumuhay niya noong nabubuhay pa.
Isinilang si Niña noong October 31, 1979 sa Quezon City pero pagsapit ng April, 1988 ay lumipat ang kanilang pamilya sa Sarrat, Ilocos Norte dahil doon nadestino sa trabaho ang kanyang mga magulang.
Pumanaw ang ama ni Niña noong tatlong taong gulang pa lamang siya.
Lumipas ang ilang taon, naka-graduate siya ng elementarya at nag-high school sa Mariano Marcos State University Laboratory School. Taong 1993 nang mag-transfer siya sa Holy Spirit sa Quezon City dahil sa trabaho naman ng kanyang nanay.
Pagsapit niya ng edad 10, na-diagnose ang dalagita ng isang uri ng heart disease na tinatawag na “hypertrophic cardiomyopathy.”
At nang abutin niya ang edad 13, inatake sa puso si Niña noong August 16, 1993, na naging sanhi ng kanyang pagpanaw. Ang kanyang labi ay inilibing sa isang public cemetery sa Sarrat, Ilocos Norte.
Base sa pahayag ng CBCP, sa loob ng 13 taong pananatili ni Niña sa mundo, naging masunurin siya sa lahat ng ipinag-uutos ng Diyos at nagpakita ng malalim na pananampalataya sa Maykapal.
Baka Bet Mo: Kaye umaming nagkagusto noon kay Paolo; gustung-gusto nang bumalik sa showbiz, pero…
Nakilala ang teenager sa kanilang lugar na talagang napakabait at matulungim na bata. Mamimigay din siya ng Bible, rosary at mga prayer books.
“During her time, it is unusual that a young girl had already done acts to evangelize others,” ang pahayag ni Bishop Renato Mayugba ng Diocese of Laoag.
“Niña’s life was a prayerful life full of reverence, worship and intimate relationship with God, Jesus Christ, the Holy Spirit and to the Blessed Virgin Mary,” dagdag pa nito.
“Knowing Niña’s character and traits and her strong faith in God will serve as a guide to the youth in handling their affairs towards a better Christian life,” dagdag pa ni Bishop Mayugba.
“If one asks, ‘Do you know Niña Ruiz Abad?’ The answer would be, ‘That’s the girl who always wore a rosary.
“The girl who loved to pray. The girl who loves God so much,’” aniya pa.