Nancy McDonie excited bisitahin ang Pinas matapos maging ‘certified’ Kapuso

Nancy McDonie excited bisitahin ang Pinas matapos maging ‘certified’ Kapuso

PHOTO: Instagram/@nancyjewel_mcdonie_

SUPER thankful ang Korean star na si Nancy McDonie ilang araw matapos ang kanyang pagiging certified Kapuso.

Sa isang Instagram post na ibinandera ng GMA Network, tila hindi na makapaghintay ang sikat na pop star sa muling pagbisita niya dito sa Pilipinas.

“I’m happy to say that I’m now officially part of Sparkle and GMA family,” panimula niya sa video message.

Ani pa niya, “Thank you for all the support and I can’t wait to see you guys in the Philippines.”

Kung maaalala, noong April 1 nang inanunsyo ng Sparkle Artist Center na si Nancy ang pinakabago nilang miyembro.

Baka Bet Mo: Sen. Nancy Binay sinopla si Edu Manzano: Di ka naman nakatrabaho ng dad ko

“Sparkle proudly welcomes its new international star, Nancy McDonie, to its diverse and stellar roster of talents,” saad sa post.

Pagmamalaki pa ng ahensya, “Get ready to witness her journey as she shines among the brightest stars in the industry! Welcome to Sparkle, Nancy [diamond, sparkling emojis].”

Taong 2011 nang magsimula ang music career ni Nancy nang mag-audition siya sa “Korea’s Got Talent” bilang parte ng hip-hop group na Cutie Pies.

Noong 2016 nang sumali siya sa survival show na “Finding Momoland” at nagwagi ng first place.

Sa kaparehong taon ay nag-debut na ang K-Pop girl group na Momoland at dahil diyan ay opisyal na siyang naging Korean idol.

Makalipas ang pitong taon ay tuluyan nang na-disband o nagkahiwalay ang grupo.

Huling bumisita si Nancy sa ating bansa noong November 2023 para sa isang concert kasama ang Korean actor na si Lee Seung Gi upang markahan ang first anniversary ng isang restaurant sa Bonifacio Global City (BGC).

Samantala, hindi ito ang unang beses na may pumirmang K-Pop star sa Sparkle dahil nauna kay Nancy ang Lapillus member na si Chanty noong 2022.

Read more...