IKA nga nila, “age doesn’t matter.”
Ito ang pinatunayan ng mga senior citizen sa probinsya ng Batangas na bidang-bida sa paglalaro ng basketball.
Sa katunayan nga, may ikinasang pa-liga para sa kanila ang dating alkalde ng Taysan na si Dondon Portugal.
Sa opening event noong April 6, present ang veteran actress at dating miyembro ng “Viva Hot Babes” na si Maui Taylor kung saan ay naghandog pa siya ng performance.
Nagkaroon din sila ng celebrity judges para sa mga nagsisilbing muse ng bawat team – ang content creators na kilalang-kilala sa kanilang lugar na sina Apo ng Nanay at Batangueñong Mangyan TV.
Baka Bet Mo: Janice nagbabala sa youngstars na hindi marunong rumespeto sa senior stars
Ang layunin ng former mayor, mapanatili ang pagiging healthy at fit ng mga nakakatanda sa kanilang lugar.
Bukod diyan, nais din niyang maalis ang stereotypes pagdating sa senior citizens at patunayan na pwede pa rin silang maging aktibo, lalo na sa pangmalakasan.
“As people age, staying active becomes increasingly important for maintaining physical and mental well-being. By focusing on basketball, organizers aimed to provide seniors with an opportunity to engage in a familiar and enjoyable sport while promoting fitness, social interaction, and a sense of camaraderie among participants,” sey niya sa exclusive interview ng BANDERA.
Bilang isang sportsman at advocate for active lifestyle, tuwang-tuwang ikinuwento sa amin ni Mr. Dondon na marami ang sumali sa kanyang palaro at nakabuo pa nga sila ng 16 teams.
Ang pinakamatandang sumali ay nasa edad 67.
Mensahe niya, “The tournament serves as a testament to the unstoppable spirit of our elders. It’s not just about basketball; it’s about reclaiming vitality, forging friendships, and embracing the joy of competition at any age.”
“Through this event, we celebrate resilience, determination, and the enduring passion for sports that knows no age limit,” ani pa niya.
Ang pa-liga sa bayan ng Taysan ay naka-schedule every weekends, Sabado at Linggo.