Amy Perez nabahala sa ‘deepfake’ video

Amy Perez nabahala sa ‘deepfake’ video, never uminom ng ‘menopause drug’

Pauline del Rosario - April 12, 2024 - 09:01 AM

Amy Perez nabahala sa ‘deepfake’ video, never uminom ng ‘menopause drug’

PHOTO: Instagram/@amypcastillo

HINDI totoong may ineendorsong menopause drug ang TV host-actress na si Amy Perez.

Ito ang nilinaw niya sa kanyang latest social media post matapos maging biktima ng isang “deepfake technology” sa pamamagitan ng paggamit ng artificial intelligence (AI) na ipinapakita na parang siya mismo ang nagsasalita sa video.

True mga ka-BANDERA, iba na ngayon sa online, may mga teknolohiya nang kayang gayahin mismo ang boses, kahit nga mismo itsura ng magiging biktima nito.

Dahil diyan, nagbabala si Amy sa publiko na mag-ingat sa mga nakikita sa social media at internet.

Inalmahan niya rin ang kumakalat na video at sinabing wala siyang kinalaman sa sinasabing gamot.

Baka Bet Mo: Mga anak ni Amy Perez inakalang ‘pinatay’ niya ang unang asawa: Sabi ko, ‘No! How can you say that!?’

“Fake ads. Mag ingat po tayo,” sey ng aktres sa isang Instagram post na ibinabandera ang viral fake news.

Giit pa niya, “I don’t use that product and never ako nag-review niyan.”

“Ginamit ang interview namin ni Doc at gumamit sila ng AI para palabasin na boses ko at sinabi ko ang brand na ito. I did not authorize the use of my picture here,” caption pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AMY PEREZ (@amypcastillo)

Na-interview rin si Amy ng “TV Patrol” patungkol dito at inaming nababahala siya dahil ginagamit na ang teknolohiya upang makapanloko.

“Talagang pinakinggan ko parang boses ko talaga ang galing pero sobrang nakakatakot,” sambit ng aktres.

Ani pa niya, “Hindi ko tinatake ‘yung gamot na ‘yun ever.”

Sa deepfake video, talaga namang mapapaniwala ka dahil ka-boses niya mismo ito at mapapanood pa na nagsasalita siya sa harap ng camera.

“Ang nakakalungkot doon, ang daming babaeng nag-comment na puro tinatanong nila magkano ‘yung produkto,” saad niya.

Ayon sa report ng New York Time, ang AI ay sinasamantala ngayon ng mga manloloko o fraudsters upang makapag-distort ng mga video at larawan ng ilang public figures upang magsilbing “digital puppet” at mapaniwala ang kanilang mga biktima.

Pinaalalahanan ng mga eksperto ang publiko na manatiling kritikal at may pag-aalinlangan sa impormasyong kinukuha nila sa internet.

Dahil sa pagkalat ng deepfake videos, mas nakakaalarma na ang pagdami ng disinformation at maling impormasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending