Aiko inimbita si Osang sa kanyang kasal, baka raw mawala na ang sumpa
By: Reggee Bonoan
- 9 months ago
Aiko Melendez at Rosanna Roces
ANG tagal nang pinlano ni Konsehala Aiko Melendez na maka-one-on-one ang kaibigan niyang si Rosanna Roces para sa kanyang YouTube channel at finally natuloy na ito kaninang tanghali.
Ayaw ikuwento sa akin ni Osang kung ano ang laman ng panayam niya kay Konsi Aiko pero masaya raw at nakakatawa.
Sabagay knowing Osang tiyak na may halong kalokohan ang tsikahan nila ng konsehala ng ikalimang distrito ng Quezon City.
Pagkatapos ng panayam ay nag-post si konsi Aiko ng larawan nila ni Osang at mga naalala niyang pinagsamahan nila ni Rosanna ilang dekada na ang nakararaan.
Tsinat namin ang aktres-politiko sa pamamagitan ng Facebook messenger kung gaano sila katagal ng magkaibigan at sinagot kami ng “matagal na ate as in, as in. Hihihi.”
Anyway, narito ang mahabang pagbabalik-tanaw ni Konsi Aiko tungkol kay Osang.
“Meron mga kaibigan na kahit di kayo lagi nagsasama alam mo kapag kailangan mo siya bilang kaibigan nandyan para sa’yo.
“Looking back 1998 pa kami magkapitbahay at kaibigan ni Osang. Alala ko kapag me ganap na Halloween party sa bahay niya me pinaka-bonggang pasabog sa village and lagi kami ng mga anak ko nakikipag-picture sa kabaong na nakaparada sa harap ng bahay niya para lang mapasaya mga kapitbahay niya. Full production ‘yun,” simula ng aktres.
Naalala tuloy namin ang village na sinasabi ni Konsi Aiko kung saan kapitbahay niya si Osang dahil kami ang namahala sa paglilipat ng gamit nito dahil may shooting siya noon.
Pansinin talaga ang bahay ni Osang dahil pagpasok mo ng gate ay makikita kaagad ang kulay peach samantalang ang iba ay pawang mga puti na may halong blue ang pintura.
Higit sa lahat corner lot kasi ang kinatitirikan dati ng bahay ni Osang pero patatsulok ang pagkakatayo ng bahay na may magandang terrace kaya nakaharap siya sa mga kapitbahay at pansinin din ang nakaparada niyang Roadtrek na noo’y bilang pa lang sa mga artista ang gumagamit nito.
Sa pagpapatuloy ni Konsi Aiko, “Me nirerentahan siyang talent na magbibihis na bangkay, kaya instant tourist attraction (ang) bahay niya.
“Cut 2 madaming magagandang nangyari sa mga buhay namen pareho. Nakamasid lang kami sa isa’t isa nu’n. Message minsan ‘tas minsan aksidente makikita sa mga events then kwentuhan again.
“Alala ko pa na-depress ako nu’n tumawag agad si Osang sa akin sabi niya ‘Ni’ malungkot ka? Andito lang ako ahhh.
“Tapos siya naman pa-trouble nu’n nag message din ako sa kanya na andyan lang ako para sa kanya. Unspoken agreement baga na di namen need magdrama ng eme na ano.
“Cut 3 kasagsagan ng kabusy-han ni NI nu’n. Birthday ko me event ako sa Bahay ng Alumni birthday ko nu’n in-invite ko siya mag-perform usapan isang kanta lang siya kasi me raket pa siya nu’n na kasunod, pero pagdating sa venue ginawa niyang concert niya para mapaligaya ako and mga taga-QC.
“Cut 4 sa hinaba-haba ng pagkakaibigan namen ngayon ko lang siya makakatrabaho sa Sagrado Pamilya kaya di ba nakaka-excite (smiling face emoji) Jennifer Cruz Adriano? Salamat dahil hanggang ngayon walang nagbago sa pagkakaibigan naten.
“Salamat at hanggang ngayon para pa ding magkapatid ang turingan naten. Alala mo dati Ni sabi mo magkamukha tayo!!! Pwede di ba? Hindi kaya ikaw ang nawawala kong kapatid tandaan mo Ni andito lang ako para sa’yo.
“At lagi ko sinasabi ito sa’yo pag magkausap tayo me espayo ang magaling na artista na tulad mo sa industriya naten. At hindi lahat ng artista ay katulad naten ang me pagpapahalaga sa kapwa at sa mga taong nakapaligid sa atin. At masaya ako na pareho na tayong masaya sa lahat ng aspeto ng mga buhay naten.”
Heto, may pahabol pa si Konsi Aiko at mukhang malapit na rin siyang lumagay sa tahimik dahil inimbita na niya in advance si Osang.
Aniya, “Pag kinasal na ako dapat andu’n ka na baka ikaw na lang inaantay maka-attend para mawala ang Sumpa, labyu my sister!!
“Gratitude post (smiling face emoji).”
Hiningan namin ng reaskyon si Osang tungkol sa pa-tribute ni Konsi Aiko sa kanya.
“Na-touch ako, kahit naman sa Sagrado (Pamilya) close kami. Kapag wala akong magawa inaakyat ko siya ro’n sa kuwarto (at) kinukuwentuhan ko tawa lang kami ng tawa.
“Kapag naman nasa work kami (at) nasa isang tent kami bili naman ng bili ‘yan ng pagkain ko kaya busog ako lagi,” masayang sabi ng aktres.
Ang “Sagrado Pamilya” ay ang TV series na sinu-shoot nina Aiko at Osang sa Baguio City kasama sina PIolo Pascual, Kyle Echarri, Grae Fernandez, Tirso Cruz III, John Arcilla, Shaina Magdayao, Mylene Dizon at marami pang iba. May special participation sina Cristine Reyes at Bela Padilla.
Ito’y handog ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN mula sa direksyon nina Andoy Ranay at Lawrence Fajardo.