FINALLY! Ibinandera na ang kauna-unahang trailer para sa inaabangang sequel ng 2019 hit na “Joker.”
Ito ang musical psychological thriller film na “Joker: Folie à Deux” na pinagtatambalan ng Oscars winners na sina Lady Gaga at Joaquin Phoenix
Makikita sa pasilip ang kakaibang chemistry ng dalawang sikat na Hollywood stars kung saan muling gagampanan ni Joaquin ang role bilang “Clown Prince of Crime” na si Joker, habang si Lady Gaga ang magiging si Harley Quinn.
“We use music to make us whole. To balance the fractures within ourselves,” maririnig na sinabi ni Joker sa kanyang voiceover sa trailer.
Baka Bet Mo: Lady Gaga, Joaquin Phoenix magtatambal sa bagong ‘Joker’ film
May eksena pa na si Harley Quinn ay nasa sa hallway na nag-akma na bumaril sa kanyang ulo at sabi niya sa aktor: “I’m nobody. I haven’t done anything with my life like you have.”
Siyempre, hindi mawawala ang intimate moments ng dalawa, kabilang na ang pagsasayaw sa kalsada ng Gotham na kung saan ang background music ay ang Burt Bacharach-Hal David classic na “What the World Needs Now Is Love.”
“I’ll tell you what’s changed. I’m not alone anymore,” proud na sinambit ni Joker sa trailer.
Ang “Joker: Folie à Deux” ay nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa darating na October 4.
Ito ang magsisilbing sequel sa 2019 film kung saan sinusundan nito ang kwento ni Arthur Fleck bilang isang washed up clown hanggang sa sumikat ito bilang villain ng Gotham.
Para sa mga hindi aware, ang “Joker” ang highest grossing R-rated film of all time at kauna-unahang R-Rated film na kumita ng mahigit $1 billion worldwide o halos P57 billion.
Kinilala din ang pelikula sa ilang prestihiyosong award-giving body mula sa iba’t-ibang bansa.
Kabilang na riyan ang “Golden Lion” award sa Venice Film Festival sa Italy.
Winner din ito sa Academy Awards kung saan naiuwi nito ang “Best Original Score” at “Best Actor” para sa mahusay na pagganap ni Joaquin sa kanyang karakter bilang Joker.
Bukod diyan, kinilala din ang pelikula sa Golden Globe, BAFTA, at Critics’ Choice Movie Awards sa parehong award categories.