Melai Cantiveros sa pagkakaroon ng baby no. 3: Ayaw pa ni Stela

Melai Cantiveros sa pagkakaroon ng baby no. 3: Ayaw pa ni Stella

KINABILIBAN ng madlang pipol ang TV host-comedienne na si Melai Cantiveros sa naging pahayag niya tungkol sa pagkakaroon ng baby no. 3.

Sa kanyang panayam kay MJ Felipe sa ABS-CBN News, nausisa siya kung wish rin ba niya ang pagkakaroon nila ng baby no. 3 ng asawang si Jason Francisco.

Sa una ay pabirong sinabi ni Melai na magkaroon sila ng lalaking anak na ipapanganak ng April para matawag nilang “April Boy”.

Ngunit pagkatapos nito ay naging seryoso na ito sa kanyang sagot sa pagkakaroon ng pangatlong anak.

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros laughtrip sa AAA 2023: ‘I feel like I am the first honor!’

Pagbabahagi ni Melai, hindi lang silang mag-asawa ang dapat magdesisyon tungkol sa usaping ito kundi kasama ang mga anak sa kanilang pagdedesisyon.

“Hindi lang kami ang magdedesisyon. Magdedesisyon din ang magkapatid. Kung gusto na, gagawin na namin ni Papa mo,” pagbabahagi ng Kapamilya star.

Amin ni Melai, hindi pa raw gusto ng kanilang bunsong si Stela ang magkaroon ng little brother o sister.

“Pero kung di mo pa gusto, part ka rin ng family dapat isa ka rin sa magde-decide, ayaw pa ni Stela,” pagpapatuloy niya.

Marami naman ang humanga sa paraan ng parenting style nina Melai at Jason.

“Tama yan. Involved and kids sa decision making, I-consider ang feelings nila. Very Good Mamshie,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Galing! So far, si Melai pa lang ang nabalitaan kong ganito kahusay mag-isip pagdating sa pamilya.”

“Tama yan momshie mels. Hoping na baby boy na ang 3rd baby mo pag okay na kay Stela,” sey naman ng isa.

Read more...