Katrina Velarde tumanggi sa Britain’s Got Talent; inoperahan sa appendix

Katrina Velarde tumanggi sa Britain's Got Talent; inoperahan sa appendix

Katrina Velarde

NAIMBITAHAN ang tinaguriang “Suklay Diva” at certified Birit Queen na si Katrina Velarde para makipaglaban sa “Britain’s Got Talent.”

Natanggap daw ni Kat ang invitation mula sa naturang reality talent competition nitong January, 2024 pero tinanggihan daw niya ito.

“I’m still getting inquiries to join some international competitions pero para po sa akin, tapos na ako sa contests.

Baka Bet Mo: John Arcilla naimbitahang rumampa sa New York Philippine consulate, ibinandera ang bonggang OOTD

“I’m still thinking about it po, parang all my life kasi, ‘yung buong pinagdaanan ko mula pagkabata ko lahat contests na ko nang nag-contest. And I really want to enjoy what I have at the moment,” ang pahayag ni Katrina sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN.

Patuloy pa ng biriterang singer, “It’s not as easy as it is po kasi, you will join, you have to be in that country.


“Hindi naman po siya pupunta ka du’n tapos kakanta ka, tapos may process pa rin doon. Tapos malalayo ako sa anak ko, parang hindi na po doon yung heart ko,” katwiran pa ni Kat.

Samantala, naikuwento rin ng singer sa naturang interview na bago maganap ang kanyang third major solo concert sa April 13 titled “Z-CON: The Gen Z Icons” ay sumailalim muna siya sa  appendectomy last March 23.

Baka Bet Mo: Katrina Velarde hindi tuloy ang concert sa US, may isyu kaya sa producer?

“Hindi ko po masabi na malayo sa bituka, kasi sa bituka talaga siya. Sa appendix po.


“Mayroon naman po na go signal from the doctor na in three weeks, I can sing. Huwag lang sasayaw masyado,” lahad ni Kat na nag-alala nang bonggang-bongga para sa kanyang concert.

“The first thing na tinanong ko sa doctor after niyang sabihin na kailangan ka nang operahan tonight, ang una kong tinanong sa doctor ay makakakanta po ba ako sa 13? Sabi naman ng doctor, three weeks kaya na naman ‘yun.

Pag-alala pa niya sa naranasang matinding sakit, “Hindi po ako makalakad. Night before ako nagpa-ER, akala ko kabag lang. The next morning, same, ang sakit pala.”

Sa ngayon ay okay na okay na raw siya at handa nang sumabak uli sa concert stage.

Read more...