Alden: Kahit umabot pa sa kamatayan, lagi’t laging ipaglalaban kita!

Alden: Kahit umabot pa sa kamatayan, lagi't laging ipaglalaban kita!

Alden Richards

TUMINDIG ang balahibo ang mga netizens sa commemorative video ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards para sa paggunita sa Araw ng Kagitingan nitong April 9.

Pinuri nila ang Kapuso actor at TV host dahil sa galing ng pagkakalahad nito sa mensaheng nakapaloob sa tribute video na inilabas ng produksyon ng GMA historical drama series na “Pulang Araw” sa social media.

Mapapanood sa video si Alden bilang si Eduardo Dela Cruz/Smith (karakter niya sa Pulang Araw) na tumutula hinggil sa pagmamahal at pagsasakripisyo ng mga Pilipino para sa bansa mula pa noong World War II hanggang sa kasalukuyang.

Nakasuot ng khaki jacket ang binata habang makikita sa background ang ilang mga eksena sa kasaysayan ng Pilipinas at ang mga kinakaharap na hamon ng mga Pinoy sa kasalukuyang panahon.

Baka Bet Mo: Rabiya ipaglalaban ang edukasyon sa Miss U: What we need is not just a beauty queen with a pretty face…

“Kahit umabot pa ang lahat sa kamatayan, lagi’t laging ipaglalaban kita hanggang sa ang karapatan mo’y ‘di na maapakan pa, hanggang sa makamit mo ang tunay na kalayaang inaasam. Ipaglalaban kita,” ang bahagi ng tula ni Alden.

Sa bandang huli ng video, ipinakita si Alden na iwinawagayway ang bandera ng Pilipinas.


Narito naman ang comments ng sa netizens sa matapang at timely message ni Alden para sa mga kinakaharap na challenges ng bansa.

“Omg. Ang galing!!! Giving me chills.”

“Goosebumps!”

Baka Bet Mo: 5 veteran actress nasa ‘Living Legends’ commemorative stamp na ng PHLPost

“Ang husay ng kung sino ang nakaisip at nakabuo nito! Magandang panimulang marketing strategy for the biggest drama this year.”

“Maganda lalo ‘to sa mga student tulad ng mga pamangkin ko. Historical papanoorin ng mga high school students.”

“Ganyan dapat ang mga serye sa TV, ‘yung gigising sa pusong makabayan ng Pilipino. Can’t wait for this teleserye.”

“Ganda ng monologue ni Alden Richards.”

“Ganda ng speaking voice mo Alden. Bagay sa ‘yo ang narration.”

Makakasama ni Alden sa “Pulang Araw” sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco at Dennis Trillo. Nasa cast din sina Ashley Ortega, Angelu De Leon, Epy Quizon, Mikoy Morales at Aidan Veneracion.

Read more...