Jeff Moses aminadong close na close kay Jillian Ward, nanliligaw na ba?

Jeff Moses aminadong close na close kay Jillian Ward, nanliligaw na ba?

Jeff Moses, Jillian Ward

TILA na-hot seat ang aktor na si Jeff Moses patungkol sa real score nila ng young actress na si Jillian Ward matapos makapanayam ng King of Talk na si Boy Abunda.

Napag-usapan ang tungkol sa panliligaw sa magulang at diretshang tinanong ni Tito Boy si Jeff kung bet siya ng mga magulang ni Jillian.

Pag-amin ng aktor, “Close po kami ng family ni Jillian.”

Nag-follow up question agad ang TV host, “Nililigawan mo ba si Jillian Ward?”

Natawa bigla si Jeff sa pag-usisa ni Tito Boy at sabay sabing: “Ayan na!”

Baka Bet Mo: Jillian Ward ibinandera ang bonggang sasakyan; tinawag na next ‘Marian Rivera’

Ayon sa aktor, super close sila ni Jillian pero hindi pa niya naiisip na manligaw.

“Wala pa po ako sa ganung mindset and I know same with Jill. Pero hinahayaan ko lang. Hindi naman natin alam kung ano ang mangyayari bukas, ganyan. So kumbaga, chill lang,” sey niya.

Hirit naman ni Tito Boy, “May plano ka bang ligawan si Jillian?”

“Patay!” reaksyon ni Jeff matapos matawa ulit ng malakas.

“‘Yun nga po, Tito Boy, hindi ko rin masabi eh kasi ngayon talaga parang sobrang nagfo-focus ako sa sarili ko,” sagot niya.

Patuloy ng aktor, “Siyempre na andito ako sa industriya, a very competitive business. So ayun po, nagfo-focus ako ngayon sa work, sa career po and for sure si Jill, sa nakikita ko, ‘yun din po ang priority niya –sa work, sa family.”

“So parang ako, hindi ko iniisip muna,” giit pa niya.

Bago ang mga maiinit na tanong na ‘yan from Tito Boy, inamin ni Jeff na ang type niya sa babae ay tisay, maganda at malakas ang appeal.

Kung maaalala, July last year nang umamin si Jillian kay Tito Boy na close sila ni Jeff.

“Jeff Moses, super dedicated po siya, sobrang respectful and sobrang motivated niya po sa buhay,” sey ni Jillian.

Nang tanungin siya kung nagpaparamdam na ba ang aktor sa kanya ay hindi ito sinagot nang diretso ng young actress.

Ayon sa kanya, nagsisilbing inspirasyon niya si Jeff dahil sa sipag nito sa trabaho.

“Alam niyo po may time po ako na nabeburn-out pero yung mga kaibigan ko po like yan si Jeff po tinitignan ko po yung work ethic niya and nai-inspired po ako kasi po sobrang sipag niya,” sambit ng aktres.

Ani pa niya, “Sobrang close niya po sakin, sobrang bait po niya. ako po ewan ko po balewala na I mean basta close po kami.”

Read more...