Bitoy sa pagta-travel with family: Hindi maibibigay ng materyal na bagay

Bitoy sa pagta-travel with family: Hindi maibibigay ng materyal na bagay

Michael V kasama ang pamilya

WISH ng Comedy Genius na si Michael V na makapag-travel pa sa iba’t ibang bahagi ng mundo kasama ang kanyang pamilya.

Para kay Bitoy, wala nang mas sasaya pa sa pagbabakasyon at paglilibot sa mga tourist destinations sa iba’t ibang panig ng mundo na nakikita lang natin noon sa mga litrato at video.

Ayon sa Kapuso actor-director, napakahalaga ng pagta-travel lalo na kung kasama ang buong pamilya, kahit pa sa Pilipinas lamang ito o sa abroad.

Baka Bet Mo: Michael V: Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita ‘binoto

Nagbahagi si Bitoy ng ilan sa mga naging experience niya sa mga travel adventures ng kanilang family nang mag-guest siya sa “Amazing Earth” hosted by Dingdong Dantes.


Sey ni Michael V., “Yung memories na makukuha mo out of travel, kahit na tumanda na sila. Ngayon napag-uusapan pa rin namin.”

Dagdag chika ng veteran comedian, hinding-hindi mapapantayan ng anumang materyal na bagay ang pagba-bonding nilang pamilya kapag sumasabak sa iba’t ibang adventures.

“Ang daming memories, ‘yun yung pinakamasarap na feeling na hindi maibibigay ng materyal na bagay,” sabi pa ni Bitoy.

Ilan sa mga bansang nabisita na nina Michael V. ay ang Japan, Switzerland, California at New Zealand kung saan nasubukan nila ang snow rafting, dog sledding at jet ride.

Sa katunayan, nabanggit din ni Bitoy ang lugar na gusto nilang balikan sakaling mabigyan uli sila ng pagkakataong makapag-travel uli.

Baka Bet Mo: Aga Muhlach sa kaarawan ng ‘reyna’ ng kanyang buhay: Cheers to more ocean adventures with you!

“Gusto namin mapuntahan pa ulit, mabalikan, ‘yung Switzerland at sa Utah kasi maraming hiking trails doon. Spiritually parang makakadagdag sa experience na maganda,” sabi pa ng komedyante.


Samantala, nag-share naman ng ilang tips si Michael V para sa mga gustong sumabak sa iba’t ibang klase ng extreme adventures.

“Advice ko kung gagawa kayo ng medyo ganoong klaseng adventure, kapag nakapag-decide ka, i-commit mo dapat i-100 percent mo na,” aniya.

Pero mariin niyang paalala, kailangan din daw isipin muna ang kaligtasan ng bawat isa kung magta-try ng mga buwis-buhay na activities.

“Isipin niyo lagi, siguraduhin ninyo ang safety. Kapag hindi safe, huwag,” sey pa ni Bitoy.

Read more...