Janus sa mga ipokrito: Kala ko ba hindi loyal ang mga lumilipat?

Janus sa mga ipokrito: Kala ko ba hindi loyal ang mga lumilipat?

Yassi Prressman, Jayson Gainza at Janus del Prado

MATAPANG na pinatutsadahan ni Janus del Prado ang mga artistang bumabatikos noon sa mga nag-oober da bakod na mga celebrities.

Wala mang binanggit na pangalan ang character actor na napapanood ngayon sa “Black Rider“, marami ang nagpapalagay na para ito sa ilang hosts ng “It’s Showtime.”

Baka Bet Mo: Gerald basag kay Janus: Pinag-away-away mo kami para pagtakpan ang kalokohan mo sa set…beke nemen!

Ito’y matapos ngang umere ang nasabing Kapamilya noontime sa GMA 7 simula noong Sabado, April 6.


Sa kanyang Instagram account, nag-post si Janus ng tila sarkastikong nagtanong sa mga tumitira at bumabanat sa mga naglilipatang artista noon sa ibang network.

“‘Yung mga bumatikos sa mga lumipat dati, naglipatan na din ngayon lol. Kala ko ba hindi loyal ang mga lumilipat? #hypocrites,” ang laman ng IG post ni Janus.

Iba-iba ang naging reaksiyon ng netizens sa hirit ni Janus, may mga kumampi sa kanya pero meron ding kumontra at nagsabing dapat niyang respetuhin ang desisyon at paniniwala ng mga kapwa niya celebrity.

“Hindi sila lumipat, pinalabas ang programa nila… magkaiba un huyy!”

Baka Bet Mo: Janus hindi hahayaang maagrabyado ang mga showbiz friends: Makikipagpatayan ako para sa kaibigan ko

“Meaning lang po lods, baka hindi kaya ng mga current GMA artist na buhayin ang noon time ng GMA kaya need help sa ABS CBN artists. Kaya kinuha na lang buong Showtime tota wala naman sila channel to formally air their shows. Pero as far as I know wala pong lumipat. Abs CBN artists padin sila. Need lang din ni GMA help nila so win win padin. Business strategies lang.”


“Wala naman binanggit si Janus na name nong lumipat kuno so bakit G n G kayo sa kanya?”

“APAKABOBO MO TALAGA KAYA HINDI UMABANTE CAREER MO EH.”

“OA naman ni @janusdelprado as if naman Big Star Talaga!!  hahahaha.”

“Hindi naman sila hypocrites kasi wala namang lumipat? Since under ABSCBN management pa din naman sila? Naki ere lang sila sa GMA yun lanf”

“Idol kita lods. Pero dapat di na pinapalaki to. Kung lumipat lumipat wala naman na magagawa tsaka baka yun din ang tamang move para sa career nila.”

“Hndi naman po sila lumipat.. bkt ba kasi ayw ng gma gumawa ng sarili nilang noontime show? Eh marami silang artist na sa network nila? Hehe mas gusto nila kunin ang showtime?! Gma tlga may sarili namang mga artista guato mga tga abscbn.”

Samantala, matapos makatikim ng pangnenega at pang-ookray mula sa netizens, in-edit ni Janus ang kanyang post.

“At the end of the day lumipat pa din sila ng Station. Kinailangan pa rin nila yung tulong ng Station ng mga artista na binabash nila dati (lalo na yung mga lumipat) para magkaroon ng mas malaking platform. Lesson. Wag magsalita ng tapos. Bilog ang mundo,” aniya.

Read more...