Chavit Singson sa paggamit ng EDSA Busway: Hindi po suhol yung P100k

Chavit Singson sa paggamit ng EDSA Busway: Hindi po suhol yung P100k

Chavit Singson

“MALI pa rin kami, hindi dapat tularan.” Yan ang pahayag ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson nang dumaan sila sa EDSA Busway kamakailan.

Nagpaliwanag ang dating gobernador sa nangyaring insidente matapos ngang sitahin, hulihin at tikitan ng mga MMDA traffic enforcers ang kanyang convoy.

Nilinaw din niya na ang P100,000 na in-offer niya sa mga enforcers na nanghuli sa kanila ay hindi suhol kundi pabuya dahil sa pagtupad nila sa mga sinumpaan nilang tungkulin sa bayan.

Nakachikahan ng BANDERA at ilan pang members ng entertainment media si ex-Governor Chavit sa grand opening ng bagong branch ng BB.Q Chicken Philippines sa Ayala Malls Feliz, Pasig City.

Dito nga biniro ang dating public servant at businessman na hindi siya na-late sa naturang event. Ganting joke ni Gov. Chavit, “Mas maaga ako ngayon kasi hindi ako dumaan sa buslane.”

Baka Bet Mo: Pati pagkain ni Heart ng fried chicken sosyalin; Kim may bonggang payo sa mga anak

Aniya, baka raw sa darating na Lunes, April 15, niya dadalhin sa tanggapan ng MMDA ang ipinangako niyang P100,000 sa mga nanghuli sa kanya sa busway.

“Sa Monday (ko ibibigay), kasi ipinagpaalam ko muna baka akala nila bribe yun. Ano yun, to encourage enforcers to do their duties and to show that no one is above the law.


“Whatever the reason, kako nga talagang kasalanan namin dahil nag-overtake kami du’n, e.

“Umiwas lang kami pero maski na anong rason, mali pa rin kami kako at hindi dapat tularan,” pahayag pa ni Chavit kasabay ng pagsasabing tama lang ang ginawa ng MMDA traffic officers.

Sa isang hiwalay na panayam, nag-sorry na si Gov sa nangyari, “Humihingi ako ng paumanhin sa MMDA. Pinapahanap ko na si Chairman (Romando) Artes,  magpapadala ako ng P100,000 premyo sa mga nanghuli para ma-encourage sila na manghuli.

Sabi pa ni Singson, papunta raw siya sa isang TV network para sa isang interview nang hulihin sa paggamit ng busway.

Para sa unang paglabag ng mga motorista hinggil sa batas trapiko na ito, pagmumutahin sila ng P5,000.

Samantala, natikman namin ang halos lahat ng klase ng Korean Fried Chicken sa pagbubukas ng 7th branch ng BB.Q Chicken sa Pilipinas.

This exciting addition to the BB.Q Chicken family promises a delectable dining experience infused with the brand’s renowned flavors and hospitality.

Baka Bet Mo: P-pop group na HORI7ON babalik na sa Pinas matapos sumabak sa matinding training sa South Korea, iikot sa iba’t ibang bansa

In fairness, lahat ng uri ng fried chicken na ino-offer nila ay sagad sa buto ang sarap, idagdag pa ang yumminess ng kanilang mga bonggang sauce and dip.

Ang laki-laki rin ng kanilang lugar at may function rooms pa para sa inyong mga meeting and other events at ang pinakaimportante sa lahat, magagalang at mabibilis kumilos ang kanilang mga staff and crew.

Anyway, kasabay ng grand opening, in-announce rin ang participation ng BB.Q Chicken sa Philippine Franchise Expo mula April 12 to 14, 2024. Kaya sa lahat ng interesado, mag-email lang sa franchising@bbqchicken.asia o tumawag sa 7006-1103.

Read more...