Sunshine, Candy agaw-eksena sa 'Sunny'; MarVen mapanakit

Sunshine, Candy agaw-eksena sa ‘Sunny’; MarVen pakilig pero mapanakit

Ervin Santiago - April 10, 2024 - 09:10 AM

Sunshine, Candy agaw-eksena sa 'Sunny'; MarVen pakilig pero mapanakit

Heaven Peralejo, Vina Morales, Sunshine Dizon, Angelu de Leon, Candy Pangilinan at ang iba pang cast members ng ‘Sunny’

NAIYAK, natawa at kinilig kami sa latest offering ng Viva Films na “Sunny” na pinagbibidahan nina Vina Morales, Sunshine Dizon, Angelu de Leon at Candy Pangilinan.

Napanood namin ang pelikula sa ginanap na red carpet premiere sa SM North EDSA Cinema 4 na dinaluhan ng buong cast members kasama ang kanilang direktor na si Jalz Zarate.

Bukod kina Vina, Sunshine at Candy kasama rin sa movie sina Katya Santos, Angelu de Leon, Tanya Garcia, Katya Santos at Ana Roces.

Baka Bet Mo: Gladys super excited na sa dream project kasama sina Juday, Claudine, Jolina at Angelu: ‘I’m willing to co-produce it if ever’

Ang mga gumaganap namang young version nila sa movie ay sina Heaven Peralejo, Bea Binene, Abby Bautista, Ashley Diaz, Heart Ryan, Ashtine Olviga at Aubrey Caraan.

In fairness, na-enjoy namin nang bonggang-bongga ang pelikula na tumatalakay sa pagkakaibigan at iba’t ibang relasyon ng pamilyang Filipino. Kahit medyo mahaba ito ay hindi nakakainip panoorin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)


Magagaling lahat ng cast members sa kani-kanilang mga role pero nais naming palakpakan si Candy na agaw-eksena sa kanyang mga nakakaloka at nakakatawang hugot at punchlines.

Tawang-tawa rin kami kay Sunshine bilang retokadang classmate at member ng kanilang grupong Sunny dahil pak na pak ang kanyang pagkakaganap at pagbibitiw ng mga dialogue habang hindi gumagalaw ang kanyang mukha.

Siguradong makaka-relate ang lahat sa tema at kuwento ng “Sunny” lalo na yung mga magkakaibigan dati sa high school na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkikita makalipas ang ilang dekada.

Baka Bet Mo: True ba, Claudine matindi ang galit, ‘di pa kayang patawarin si Angelu?

Pakilig naman sina Heaven at Marco Gallo sa movie pero sa bandang ending medyo mapanakit ang naging eksena nila.

Ang “Sunny” ay remake ng 2011 Korean movie na may parehong title, na naging second highest-grossing Korean film nang taong iyon.

Ang adaptation nito ay idinirek ni Jalz Zarate na nasa likod din ng isa pang Pinoy version ng Korean movie, ang “Spellbound.” Si Mel Mendoza-del Rosario (Miracle in Cell No. 7, More Than Blue) ang nagsulat ng screenplay.

Iikot ang kuwento ng “Sunny” sa high school friends na muling nagsama-sama para tuparin ang huling habilin ng kanilang yumaong kaibigan.

Ang pelikula ay nagsasalitan sa dalawang timeline. Sa kasalukuyang panahon, si Annie (Vina) ay isang maalagang maybahay at ina.

Habang binibisita ang kanyang nanay sa ospital, bigla niyang makikita si Chona (Angelu), ang kanyang kaibigan noong high school. Malalaman niyang si Chona ay may terminal cancer at may ilang buwan na lamang na natitira para mabuhay.

Sasabihin ni Chona ang kanyang kagustuhan na makita at mabuo muli ang kanilang grupo na “Sunny” bago man lang siya mamaalam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by nic 𓍢ִ໋🌷 ֒ (@hvnly.tension)


Sa flashback naman na 25 years na ang nakakaraan, makikita si Annie (Heaven) na isang high school transferee. Tinutukso siya sa pagiging probinsyana hanggang sa makikilala niya ang palabang si Chona (Bea).

Kakaibiganin siya ni Chona at ipapakilala sa mga miyembro ng kanyang grupo: sina Dang (Abby Bautista); Janet (Ashley Diaz); Becky (Heart Ryan); Gwen (Ashtine Olviga); at si Sue (Aubrey Caraan) na malamig ang pakikitungo kay Annie.

Sama-sama sila sa mga pagsubok at tagumpay ng high school – mula sa mga kaaway hanggang sa kanilang crushes, sa mga sayawan at mga kalokohan.

Sa kasalukuyan, mahahanap ni Annie si Dang (Candy Pangilinan), na isa nang life insurance agent; sina Janet at Becky (Tanya Garcia, Katya Santos), na parehong naghihirap ngayon; at si Gwen (Sunshine Dizon) na ibang-iba na ang pagkatao ngayon. Ngunit, hindi pa rin niya nahahanap si Sue (Ana Roces).

Sa patuloy na paghina ng kalusugan ni Chona, magpapakita kaya si Sue para makumpleto ang grupo?

Paano nila haharapin ang hamon ng pamamaalam sa mahal nilang kaibigan? Panoorin kung paano nila ipagdiriwang ang kanilang pagkakaibigan at gagawa ng mga bagong alaala kasama ang isa’t isa… sa huling pagkakataon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “Sunny” ngayong araw, April 10, sa mga sinehan nationwide mula sa Viva Films.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending