Maymay: Ang daming pagsubok talaga bago ako nagbalik-loob sa Panginoon

Maymay: Ang daming pagsubok talaga bago ako nagbalik-loob sa Panginoon

Maymay Entrata

AMINADO ang Kapamilya actress-singer na si Maymay Entrata na matitinding pagsubok ang naranasan niya nitong mga nakaraang taon.

Ito raw ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagbalik-loob sa Panginoong Diyos at muling itinaas kay Lord ang lahat-lahat sa kanyang buhay.

Sa isang interview, nabanggit ng “Pinoy Big Brother Lucky Season 7” Big Winner na napakarami niyang realizations na mas nagpatatag sa kanyang pananampalataya sa Diyos.

Baka Bet Mo: Maymay may pa-dyowa reveal sa mismong Valentine’s Day: Happy birthday my Valentino!

“Ang dami pong pagsubok talaga bago ako nagbalik-loob sa Panginoon. ‘Yun ‘yung deklarasyon ko kumbaga, na magko-commit ako fully sa Panginoon.


“Kasi nasanay po ako na kontrolado ko ‘yung buhay ko, ‘yung plano ko. Pero at the end of the day, napapatanong ako, bakit ako napapagod? Kasi ‘yun pala God is in control,” ang pahayag ni Maymay sa naturang panayam.

Nauna rito, ibinahagi ng dalaga sa kanyang Instagram account ang litrato at dalawang video kung saan mapapanood ang ginawang pagbibinyag sa kanya sa mismong araw ng Linggo ng Pagkabuhay.

Rebelasyon ni Maymay, ilang beses na ring tinest ang kanyang pananampalataya sa Diyos, isa na nga riyan noong sumabak na siya sa mundo ng showbiz.

Baka Bet Mo: Maymay Entrata kering-kering lumaban sa Bb. Pilipinas at Miss Universe PH, pero…

“I’ve been a Christian since 2015, got lost when I entered the industry, was invited and attended favor church last 2019, took the wrong path again (2021) not until 2023, when I slowly came back to Him.

“When He wrapped His arms around me, without condemning who I was and what I did, it was my turn to surrender all that I am & all that I do for Him — acknowledging that it is He who is in control of my life and not me,” mensahe pa ng Kapamilya star.


Dugtong pa niya, “Now, I want to seek Him first before anything else because I know by doing so, everything will fall into its right place.

“Jesus, this is me, who is publicly declaring that I am with You, I’m dying from my sins and I am with You in the resurrection.

“The old is gone and the new has come. I am still not perfect, I am still flawed but the great thing is that I know where and who I belong to!” pagbabahagi pa ng dalaga.

Ilang netizens ang nagpalagay na ang tinutukoy ni Maymay na “wrong path” ay ang pakikipagrelasyon niya sa ex-boyfriend na si Aaron Haskell.

Agad niya itong nilinaw, “Hello po sa lahat, gusto ko lang po mag-explain ng konti about dun sa last post ko sa IG. ‘I took a wrong path again nung 2021.’

“It was my past trauma po. I was hurt and so I hurt other people even the people I love. I’m asking lang po sana to be kind especially po from my past relationship (Aaron). Do not take this against him. From the bottom of my heart maraming salamat po,” pakiusap ng dalaga.

Read more...