Ryan Bang inampon nang mag-divorce ang magulang dahil sa isyu sa pera

Ryan Bang inampon nang mag-divorce ang magulang dahil sa isyu sa pera

Ryan Bang

HINDI rin pala naging maganda ang buhay ng Kapamilya TV host-comedian na si Ryan Bang noong kabataan niya matapos maghiwalay ang kanyang mga magulang.

Ayon sa komedyante, napakaganda ng estado ng buhay ng pamilya niya noong nasa South Korea pa siya dahil sa bonggang negosyo ng kanyang tatay.

Ngunit nagbago ang lahat nang magkaroon ng financial crisis sa kanilang family hanggang sa mag-divorce na nga ang kanyang nanay at tatay.

Baka Bet Mo: Vice Ganda humirit sa lahat ng single: ‘Madlang pipol, si Ryan Bang may dyowa na, ang tanong… ikaw kaya, when?’

Sa panayan ni Karen Davila kay Ryan na napapanood ngayon sa kanyang YouTube channel, naikuwento ng “It’s Showtime” host ang mga challenges na kanyang hinarap pati na ng nanay niya.


“Ipinanganak po ako na okay na okay. Daddy ko po meron siyang tatlong bilyaran. Billiard player po ang daddy ko. Champion siya, meron siya maraming awards.

“Ang mommy ko po hindi siya nagtatrabaho kasi malaking kita naman daddy ko so, super meron po kami bahay, pinapaaral nila ako golf, horseback riding, meron po kami kabayo nu’n,” pagbabahagi ni Ryan.

Hanggang sa dumating nga ang taong 1997 kung saan nagkaroon ng Asian financial crisis at naapektuhan ang mga negosyo ng kanyang ama.

“Tapos 7 years old ako meron kami sa Korea International Monetary Fund (crisis), bumagsak so walang naglalaro ng billiard,” lahad ni Ryan.

Dito na raw nagkagulo sa kanilang pamilya, palagi na lang nag-aaway ang parents niya tungkol sa pera.

“So nag-divorce po sila so nu’ng naghiwalay sila, grade 4 ako kasi sobrang ganda ng bahay tapos lumipat kami condo two-bedroom.

“Tapos lumipat kami one-bedroom and then lumipat kami sa second floor na maliit na condo one room, wala kaming kwarto, studio,” sey pa ni Ryan.

Baka Bet Mo: Ryan Bang tinuruan ng ‘tambay starter pack’ ni Herlene Budol: Gusto ko pag-ibig

Mas pinili ng komedyante na sumama sa kanyang nanay nang maghiwalay na ang magulang niya.

“Grade 4 ako, grabe ‘yung trabaho (ng nanay ko), nu’ng bata pa ako. Marami po siyang work sa insurance, naghugas pinggan siya sa octopus restaurant,” chika ng Kapamilya star.


Nang hindi na talaga siya kayang buhayin ng ina, ipinadala na siya nito sa Pilipinas. Humingi siya ng tulong sa kanyang BFF na maayos na ang buhay dito sa bansa.

“‘Yung best friend niya, nu’ng medyo may kaya pa ang mommy ko tinulungan pala ng mommy ko ‘yung kaibigan niya tapos ‘yung kaibigan niya may negosyo dito, yumaman dahil sa pera ng mommy ko.

“So, nag-favor ‘yung mommy ko, ‘Pwede diyan muna tumira ang anak ko?’  Kaibigan ng mommy ko may asawa pero walang anak so parang inampon77 nila ako,” pagbabalik-tanaw pa ni Ryan.

In fairness, dahil sa kanyang pagsisipag at dedikasyon, nakagawa ng sariling pangalan si Ryan sa mundo ng showbiz hanggang sa gumanda na nga ang kanyang buhay dito sa

He recently opened a new restaurant called Paldo Korean Fine Dining Restaurant in Quezon City.

Read more...