Jessy wish makatrabaho si Ate Vi: Kahit dadaan lang ako sa likod niya!

Jessy wish makatrabaho si Ate Vi: Kahit dadaan lang ako sa likod niya!

Vilma Santos, Jessy Mendiola at Luis Manzano

ULTIMATE dream ni Jessy Mendiola ang makasama sa isang pelikula ang kanyang mother-in-law na si Vilma Santos.

Iyan ang isa sa mga rebelasyon ng aktres at celebrity mom nang mag-guest siya sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

Natanong kasi siya ni Tito Boy kung ano ang magpapabalik sa kanya sa muling pagsabak sa aktingan, “The right opportunity. Any, actually, Tito Boy.”

Sabi ng premyadong TV host, posibleng makasama ni Jessy sa isang acting project ang biyenan niyang si Ate Vi kapag nagbalik-showbiz na siya.

Baka Bet Mo: Maine gusto pa ring makasama si Alden sa bagong show ng TVJ sa TV5: ‘Legit Dabarkads naman kasi talaga siya’

“‘Yun nga, eh. Talagang dream ko ‘yun. Sabi ko nga kay Momski, ‘Momski, kahit dadaan lang po ako sa likod ninyo, gagawin ko po talaga. Kahit pabalik-balik lang po ako, gagawin ko talaga,” natatawang biro ng wifey ni Luis Manzano.

In fact, hindi pa raw sola nagiging magdyowa ni Luis ay pangarap na talaga niyang makatrabaho ang Star for All Seasons.

“Kasi dream ko rin talaga siyang makatrabaho, kahit noon pa. Kahit noong hindi pa kami ni Luis, actually. So sabi ko, sana may tamang opportunity din na mangyari ‘yun,” aniya pa.


Nabanggit din ni Jessy na hindi lang sa larangan ng pag-arte siya humahanga kay Ate Vi kundi sa pagiging public servant nito. Personal daw niyang nasaksihan ang kasipagan at dedikasyon nito sa paglilingkod sa mga taga-Batangas.

“But at this point, now that I’m married to him (Luis), and also I’ve been with sina Momski (Vilma), sina Tito Ralph (Recto), and mas lalo na noong pandemic, I’ve seen kung paano ‘yung public service nila.

Baka Bet Mo: Jaclyn Jose hindi natupad ang wish na makasama sa ‘Probinsyano’, iniwan muna ang GMA para sa ‘Batang Quiapo’ ng ABS-CBN

“And isa lang ang masasabi ko talaga. Grabe talaga ‘yung public servants natin,” sey ni Jessy.

Kaya sakali raw na magdesisyon si Luis na sumabak sa politika ay 100% niyang susuportahan ang asawa.

Dalawang beses ikinasal sina Luis at Jessy, una sa isang intimate civil ceremony noong 2021 at sa isang intimate wedding sa Palawan. Biniyayaan sila ng isang anak — si Isabella Rose o Peanut.

Read more...