6ense emosyonal sa debut concert: Dati 30 fans lang, ngayon hundreds na!

6ense emosyonal sa debut concert: Dati 30 fans lang, ngayon hundreds na!

PHOTO: Courtesy Sean Jimenez

HALOS mangiyak-ngiyak ang bagong Pinoy pop group na 6ense sa kanilang debut concert kasabay ng kanilang pagpapakilala sa publiko.

Sa panayam ng BANDERA, inamin ng grupo na hindi sila makapaniwala na mapupuno nila ang venue.

“We didn’t expect na sobrang dami ng tao dito sa Music Museum…naka-surpass kami ng hundreds na pumunta dito,” sey ng lider ng grupo na si Wiji.

Ani pa niya, “Almost full po ‘yung Music Museum and doon pa lang po, panalo na kami!”

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Kilalanin ang bagong launch na P-Pop boy group na ‘6ense’

Magugunita na noong Biyernes, April 5, nang maganap ang kanilang “Debut Showcase Day” na ginanap sa Music Museum sa San Juan City.

Iba’t-ibang pasabog na performances ang inihanda ng 6ense para ipakita kung ano ang kaya nilang i-offer pagdating sa mundo ng P-Pop.

Ramdam na ramdam din ang all out support na ibinibigay ng kanilang fandom na “ESENSE” kung saan maririnig ang malalakas na tilian at palakpakan sa bawat pagtatanghal ng grupo.

“Noong December 2022, ‘yung pumunta noon [sa first-ever fan meet], 30 lang. Tapos seeing this audience, parang, ‘wow, what did we do para ma-deserve namin ito.’ Kaya maraming, maraming salamat ESENSE. Nagsimula sa 30 tapos sure ako na dadami pa tayo ESENSE!” sey ng boy group sa gitna ng event.

Walang katapusan ang pasasalamat ng 6ense sa kanilang fans dahil ang kanilang first concert ay talaga namang naging memorable sa kanila.

“Very thankful po kami para sa kanila kasi po hindi talaga namin ine-expect na mapupuno po namin almost ‘yung Music Museum,” sey ng lead dancer na si Drew.

Patuloy niya, “Very thankful po ako na nagbigay po sila ng time and effort para mapakita namin sa kanila kung ano po ang kaya naming gawin.”

Nang tanungin naman namin ang boy group kung ano pa ang dapat abangan sa kanila ng fans.

Sinabi nila sa amin na may ilalabas silang mga bagong kanta at magkakaroon ng concert tours sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

“Currently, we are working on our few releases, mga singles and next year, hopefully ma-release po namin ‘yung EP namin. Hopefully lang po, pero what we’re sure of is meron po kaming mga next releases, single releases this year,” anunsyo ni Wiji.

Dagdag pa niya, “Of course, our promotion era ng H.U.G., magle-Leyte po kami, magkakaroon din po kami ng north tour sa Baguio, sa Ilocos Norte, La Union, Isabela. So doon po kami magpo-promote ng aming title track na H.U.G.”

Walong miyembro ang bumubuo sa 6ense na sina Wiji (leader and main vocalist), Lee (lead vocals and visual), Sevi (center and lead dancer), Asa (lead vocals), Clyn (lead rapper), Jai (main rapper), Drew (lead dancer), at Pen (main dancer).

Read more...