NAGLABAS ng kanyang saloobin ang award-winning actor na si John Arcilla hinggil sa mainit na usap-usapan ukol sa pagtanaw ng utang na loob ng mga anak sa magulang.
Sa kanyang Facebok post nitong April 6, sinabi noyang hindi tama ang paggamit ng mga salitang “utang na loob” at “obligasyon” ay hindi angkop na gamitin kung tungkol sa magulang na ang pag-uusapan.
Para kay John, ito ay “normal” at “natural duty”.
“‘Utang na loob’ and ‘Obligasyon’ are wrong words pag ang usapan ay mga MAGULANG na ating PINANGGALINGAN.
Baka Bet Mo: John Arcilla pinayagang gumawa ng teleserye sa GMA, posible ring magkaroon ng international project
“Hindi naman talaga utang na loob o obligasyon ang Pagkupkop o pagtulong sa mga tumatandang magulang- dahil ito ay NORMAL at NATURAL na DUTY ng MGA ANAK,” saad ni John.
Ito raw ay tulad noong inalagaan at pinalaki nila tayo.
“Kasing NATURAL at NORMAL nung inaalagaan nila tayo nung maliit pa. Pinakain, dinamitan iginapang, at pinag aral. Tama naman na Responsibilidad yun ng mga magulang sa walang muwang na mga anak,” sabi pa ni John.
Dagdag pa niya, responsibilidad raw ng mga anak na alagaan ang mga magulang na tumatanda at wala nang kakayahan na maghanapbuhay.
“Tayo bilang tao ay tagapag ALAGA at tagapag-taguyod ng mas mahina kaysa sa atin, maging hayop man ito o kapwa tao – e di lalo na pag magulang na natin ang mahina na at nangangailangan na ng tulong,” sey pa ni John.
Ngunit ibang usapan na raw kung naging masama ang magulang noon sa kanyang mga anak.
“Do’n lang siguro magkakaroon ng iba’t ibang PAMANTAYAN kung RESPONSIBILIDAD pa din ba sila ng mga anak,” giit pa niya.