FINALLY, bumandera at umere na ang makasaysayang pilot episode ng “It’s Showtime” sa GMA Network!
Pak na pak ang naging debut ng noontime show na punong-puno ng pasabog na production numbers.
Maliban pa riyan, may ilang Kapuso stars pa ang naki-join at nakisaya upang mainit na tanggapin ang programa sa bago nitong tahanan.
Noong Sabado, April 6, nang masaksihan ng madlang pipol ang aktwal na pagsasanib-pwersa ng dalawang media giants – ang Kapuso at Kapamilya network.
Unang sumalang sa bonggang first episode ay sina Anne Curtis at Karylle na itinanghal ang “Power” by Little Mix, na sinundan naman ng intense solo rope-dancing ni Kim Chiu.
Baka Bet Mo: Vice Ganda: ‘Bagay si Barbie sa It’s Showtime, I love her vibe!’
May kanya-kanyang gimik din sa opening ang iba pang hosts na sina Amy Perez, Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ryan Bang, Ion Perez, MC “Muah” Calaquian at Lassy Marquez.
Pinainit naman ni Vice Ganda ang stage sa pamamagitan ng kanyang pak na pak na performance bilang pagdiriwang na rin ng kanyang 48th birthday.
Agaw-pansin ang isang video na makikitang umupo ang komedyante sa tuktok ng GMA logo na nasa main building.
Kasunod niyan ay full of energy na binati nina Vice at Anne ang madlang pipol.
“We are making history today on… ‘It’s Showtime’!” sey ni Anne at bigla namang sumigaw ang mga nasa studio ng: “What’s up, what’s up, what’s up, Madlang Kapuso!”
Baka Bet Mo: Sam, Lovi, Anne pwedeng-pwede sa Pinoy version ng hit K-drama na ‘It’s Okay To Not Be Okay’
Ilan lamang sa Kapuso stars na present sa show ay sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Glaiza de Castro, Nadine Samonte, Mark Bautista, Christian Bautista, Chanty of Lapillus, Jake Vargas, Mikee Quintos and Jillian Ward na bumida sa segment na “Karaokids.”
Nakisaya rin si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee at ang kanyang ina na si Miss International 1979 Melanie Marquez na tumampok naman sa segment na “EXpecially For You.”
Kung matatandaan, noong nakaraang buwan nang pumirma ng kontrata sa GMA-7 ang “It’s Showtime.”
Nagkaroon pa nga ng motorcade ang mga bumubuo sa show kasama ang big bosses ng ABS-CBN na sina Chairman Mark L. Lopez, President at CEO Carlo L. Katigbak, Chief Operating Officer Cory V. Vidanes, at Group Chief Financial Officer Rick B. Tan.
Mula Kapamilya compound ay binagtas nila ang ilang kalye sa Quezon City hanggang sa makarating sa building ng Kapuso Network.
Mainit silang tinanggap at sinalubong ng mga executive ng GMA Network na sina Chairman Atty. Felipe L. Gozon, President at CEO Gilberto R. Duavit, Jr., Executive Vice President at Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, at Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group at GMA Films President at CEO Atty. Annette Gozon-Valdes.