Adrian Lindayag sa pagkakaroon ng HIV: Turning pain into power

Adrian Lindayag sa pagkakaroon ng HIV: Turning pain into power

ISANG rebelasyon ang ibinahagi ng Kapamilya star na si Adrian Lindayag namg aminin nito na na-diagnose siya bilang HIV (human immunodeficiency virus) positive.

Sa kanyang exclusive interview sa ABS-CBN News nitong Huwebes, April 4, ibinahagi niya ang kanyang pinagdaanan matapos malaman ang kanyang sakit.

“It was late 2017 when I was diagnosed as positive for HIV,” pagbabahagi ni Adrian.

Aniya, isang mas malaking misyon ang kalakip ng kanyang pag-amin dahil gusto niyang maka-inspire at ma-defy ang stigma sa madlang pipol tungkol sa HIV.

Baka Bet Mo: Adrian Lindayag naging boses ng LGBTQ sa serye nina Paulo at Janine; shookt sa reaksyon ng madlang pipol

“People would always ask me what my next role or what is my dream role. I always say it is still Angel because I need to tell his story on a bigger stage,” pagbabahagi ni Adrian.

Pagpapatuloy pa niya, “I was inspired by the story of Angel who lived a full life even with HIV. That is what I want to embody. Somehow I feel like I have a second life.”

Ang sinasabi niyang “Angel” ay ang kanyang gagampanang role sa musical play na “Rent” na ipapalabas sa April 19.

Pagbabahagi ni Adrian, sa mga nakalipas na taon ay namumuhay siya nang may hiya buhat nang malaman na may sakit ngunit pagod na siya sa phase na ‘yun.

“I’ve been living in shame for the past few years and I just got tired of it. I want to motivate them to get tested. Knowledge is power.

“You can live a full life and be a person like me, you would not even know. I take a pill and I took that test,” sabi ni Adrian.

May mga kaibigan rin daw siya na namatay dahil sa naturang sakit dahil takot sila na magpa-test.

“I have friends who passed away from this disease because they were so scared to get themselves tested and visit the clinics.

“But these pills are free. Younger people do not have to die anymore,” sey pa ni Adrian.

Nais rin niyang magbigay pa ng karagdagang impormasyon ukol sa sakit at huwag matakot rito.

“I want them to see me, and be empowered by the knowledge that I don’t have to be scared. I can be scared but I still want to know what and how to [deal] with it,” sabi ni Adrian.

“[This is about] turning pain into power. My loved ones knew from the beginning, and it felt something important to me should be shared.”

Isang lifelong advocacy na rin para sa kanya ang mag-educate sa publiko ukol rito.

“Napakahalaga na malaman ng mga tao na posibleng magkaroon ng normal na buhay kahit merong kang HIV. You can work and have a fulfilled life,” ani Adrian.

Bibida rin sa naturang musical play sina Jordan Andrews, Markki Stroem, Guji Lorenzana, Ian Pangilinan, at marami pang iba.

Read more...