MAY update na para sa inaabangang Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon!
Kamakailan lang, nagpatawag ng mediacon si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF Chairman Atty. Don Artes at dito niya inanunsyo na ang Manila City ang magiging host ng ika-50th edisyon ng film fest na gaganapin sa darating na December 2024.
Para sa mga hindi aware, sa Maynila nagsimula ang MMFF na ginanap noong 1974 sa pamumuno ng dating Presidente ng Pilipinas at mayor ng Maynila na si Ginoong Joseph Ejercito Estrada.
Ang tawag pa nga diyan noong unang itinatag ay “Manila Film Festival.”
Baka Bet Mo: Alessandra aminadong maraming ‘arte’, hindi ipinagdasal ang kasikatan
Nabago lang ang pangalan sa “Metro Manila Film Festival” dahil isinali na rin sa event ang ibang Local Government Unit kung saan nasasakop ang mga pangunahing sinehan sa National Capital Region (NCR).
Mula niyan ay nabigyan na rin ng pagkakataon na maging host ng MMFF ang iba’t-ibang lungsod sa kamaynilaan.
Sa naganap na mediacon, nagpasalamat nang husto si Mayor Honey sa MMFF at MMDA executive committee sa pagkakapili ng City of Manila na maging host ngayong 2024.
Ayon Mayor Lacuna, “Manila City is 110% in support of the Metro Manila Film Festival and the City is excited to host the 50th edition of MMFF.”
Kasabay niya, inanunsyo na rin na walong pelikula ulit ang pipiliin ng selection committee kung saan ang mauunang isumite ang apat na script sa June 14 ang deadline at iaanunsyo ang apat na napili sa July 1.
Sa September 30 ang huling submission para sa finished film based on script at sa October 15 naman iaanunsyo ang official finished film entries.
“Although the committee has decided to only select 8 films, it will depend if there are more quality films the committee will allow the addition of more film entries,” sabi ni Atty. Artes.
Kaya posibleng maging sampung pelikula ulit ang isasama ngayong 2024 depende ulit sa desisyon ni Ginoong Jesse Ejercito na Head ng MMFF selection committee.
Nagkabiruan pa na malaking challenge rin ang MMFF 2024 dahil sa nakaraang 2023 ay pawang sikat na artista ang bumida sa sampung pelikulang kasali, tulad nina Sharon Cuneta, Piolo Pascual, Alden Richards, Derek Ramsay, Christopher de Leon, Christian Bables, Eugene Domingo, Pokwang, Enchong Dee, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Assunta de Rossi, at Ms. Vilma Santos-Recto.
Baka Bet Mo: Riders na sisilong sa ilalim ng mga footbridge, flyover papatawan ng P500 na multa –MMDA
Maulit daw kaya ito ngayong 2024 para mas makaengganyo pa ng maraming manonood tulad noong 2023 na masasabing isa itong big success dahil nagbalik na ang mga tao sa sinehan na sana ay magtuluy-tuloy ito kahit hindi MMFF.
Walang Metro Manila Summer Film Festival ngayong 2024, ayon kay Atty. Artes para bigyan-daan ng sapat na panahon ang mga sasali sa MMFF ngayong Disyembre.
Nabanggit din ni Atty. Artes na kakausapin niya ang lahat ng film producers na kasama sa MMFF na committed silang dumalo sa 2nd International Film Festival sa Enero 2025 sa Amerika kasama ang mga artista para magiging tuluy-tuloy na ito para sa ating mga kababayang OFW o mga residents na mapanood din ang local films.
Anyway, sa December 15 ang “Parade of the Stars” hosted by Manila City at magsisimula ang MMFF sa December 25 hanggang January 7, 2025.
Sa December 27 ang “Awards Night” na gaganapin sa Metropolitan Theater kung saan unang ginanap ang Manila Film Festival awards night.
At dahil 50th edition ng MMFF ay ilo-launch ang “SineSingkwenta” para sa mga luma at magagandang pelikulang ipalalabas sa mga piling sinehan sa halagang PHP 50 lang.