Adrian Lindayag: Mas madaling maging straight, but I wasn't born that way...bakla ako! | Bandera

Adrian Lindayag: Mas madaling maging straight, but I wasn’t born that way…bakla ako!

Ervin Santiago - August 16, 2021 - 09:13 AM

Keann Johnson at Adrian Lindayag

MARAMI ring pinagdaanan ang pananampalataya sa Diyos ng Kapamilya actor na si Adrian Lindayag na isang proud member ng LGBTQIA+ community.

Inamin ng isa sa mga bida ng bagong iWantTFC original series na “Love Beneath The Stars” na napakahirap din ng pinagdaanan niya noong hindi pa niya ibinabandera sa publiko ang kanyang tunay na pagkatao.

Muling nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Adrian sa virtual mediacon ng “Love Beneath The Stars” ang sequel ng first Filipino BL movie na “The Boy Foretold By The Stars” kung saan muli nga silang magtatambal ni Keann Johnson.

Ayon sa aktor, talagang looking forward siya sa magiging part 2 ng pelikula nila ni Keann na naging entry nga sa 2020 Metro Manila Film Festival.

“Sobra akong excited ulit kasi it’s been a long time coming. Matagal na nating hinihintay na makita yung mga sarili natin sa pelikula at sa TV na nai-in love.

“Matagal nang present ang LGBT sa pelikula at sa TV pero parang hindi sila nabibigyan ng romcom at kilig story. Hinahanap ko yun kasi tayong mga Pinoy mahilig tayo sa mga kilig eh, di ba? 

“Laking Star Cinema tayong lahat and inaabangan natin sa mga sinehan yung mga kilig stories na yan. And nasa-sad ako growing up na hindi ko napapanood yung sarili ko na kinikilig. 

“And now kinikilabutan ako kapag merong nagko-comment at nagme-message na mga fans na finally nakikita na nila yung sarili nila sa pelikula at sa TV, na puwede rin silang magka-love story,” pahayag ni Adrian.

Naikuwento ng Kapamilya actor na bago siya nag-come out sa kanyang pamilya, grabe rin yung naging struggle niya bilang beki.

“Yung faith ko marami nang pinagdaanan yan. I grew up in a conservative Catholic family. So I grew up hating myself because ayokong maramdaman yung mga natural na nararamdaman ko. 

“I don’t want to be attracted to boys kasi bawal siya. Narinig ko na bawal yun. So I grew up hating myself and nu’ng nag-college ako sa La Salle, du’n ko natutunan yung iba’t ibang faith, iba’t ibang paniniwala sa mundo. 

“Doon ako mas naging liberal and naging atheist ako actually at that time. Tapos it didn’t work out kasi fundamentally I’m a very spiritual person,” paliwanag niya.

Pagpapatuloy pa niya, “So now umabot na ako sa pag-merge ko ng truth ko as a person and ng relationship ko with God and spirituality. 

“Because God is love and love is to honor God, we have to understand that if only I had the choice, I would just choose to be straight. Mas madali kasing maging straight.

“But I wasn’t born that way. I have these natural urges. Eh, bakla ako, eh. May feminine side ako and I also have a masculine side and I embrace all those qualities about me.

“And I think yung purpose ko is to live out my truth so that I can show other people na sila din they can live their truth. As long as wala kang natatapakan at nasasaktan na ibang tao, yan yung purpose mo sa mundo,” lahad pa ni Adrian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong araw na mapapanood sa iWantTFC ang “Love Beneath The Stars” na isinulat at idinirek ni Dolly Dulu. Kasama rin dito sina Nikki Valdez, Agot Isidro, Romnick Sarmenta, Victor Silayan at Iyah Mina. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending