KAMAG-ANAK pala ng fashion icon na si Heart Evangelista ang award-winning actress na si Jodi Sta. Maria?
Yes, yes, yes, mga ka-BANDERA! Ito ang naging rebelasyon mismo ni Heart sa kanyang recent live video sa social media na mag-pinsan silang dalawa.
Kamakailan lang, nagkaroon ng question and answer with netizens ang socialite at doon siya inusisa ng isang fan patungkol sa pagiging related kay Jodi.
Sagot sa kanya ni Heart, “Yes, Jodi Sta. Maria is my cousin from my mother’s side.”
“I love Jodi Sta. Maria. She’s super nice and one of the genuine ones in the show business,” patuloy pa niya.
Baka Bet Mo: Heart pinabulaanan ang tsismis na na-stroke, inatake sa puso si Chiz
Inamin din ni Heart na late na rin niyang nalaman na magka-dugo sila ni Jodi.
“I didn’t even know she was my cousin until, like, a few years of show business – which is my second cousin on my mom’s side,” kwento niya.
At dahil may mga foreign netizens na nanonood kay Heart bilang kilala siya globally pagdating sa fashion world ay proud niyang ipinagmalaki ang talento ng kanyang pinsan sa pag-arte.
“Jodi is a great actress from the Philippines and she’s like a Natalie Portman exactly. Super beautiful, super expressive eyes. I love her,” aniya sa live video.
Sa X (dating Twitter), maraming netizens ang na-shookt sa ibinunyag ng fashion icon.
Tulad ng post na ito na sinabing: “I was today years old when I learned that HEART EVANGELISTA and JODI STA. MARIA are actually cousins. Such a revelation!”
I was today years old when I learned that 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 and 𝐉𝐎𝐃𝐈 𝐒𝐓𝐀.𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 are actually cousins. Such a revelation! 🤯 @heart021485 @JodiStaMaria pic.twitter.com/Q8d7VUAqV3
— Nelson Adrian (@nelsonnadrian) April 3, 2024
Narito pa ang ilan sa mga naging reaksyon sa social media world:
“Nakakagulat malaman na magpinsan pala sina Heart Evangelista at Jodi Sta. Maria.”
“HOY MAGPINSAN PALA SI HEART AT SI JODI ??? Correct me if i’m wrong [shocked emojis] baket now ko lang alam gahshshshsvdbs”
“What? magpinsan si Jodi at Heart? t*ng*n*. Sino pang ibang pinsan ng mga ‘yan? ‘yung ‘di artista para popormahan ko na. hahahah”