Sarah sinopla ng netizens: 'Hiwalay ka lang hindi ka pa single!'

Sarah Lahbati sinopla ng netizens: ‘Hiwalay ka lang hindi ka pa single!’

Reggee Bonoan |April 04,2024
facebook
share this

Sarah Lahbati sinopla ng netizens: ‘Hiwalay ka lang hindi ka pa single!’

Reggee Bonoan - April 04, 2024 - 05:58 PM

Sarah Lahbati sinopla ng netizens: 'Hiwalay ka lang hindi ka pa single!'

Sarah Lahbati

HANGGA’T wala pang dokumentong nagpapatunay na legal nang hiwalay o wala ng bisa ang kasal ng isang mag-asawa ay mananatili pa rin silang kasal.

Ito ang gustong ilarawan o sabihin ng netizens kay Sarah Lahbati na kaliwa’t kanan ang pamba-bash sa kanya dahil nakitang may kasama siyang lalaki sa isang restaurant sa Hongkong nitong nagdaang bakasyon.

Nang makapanayam kasi ito sa isang event ay sinabi niyang kaibigan lang niya ang lalaking kasama at higit sa lahat ay single naman daw siya ngayon kasi nga hiwalay na sila ng asawang si Richard Gutierrez ilang buwan na ang nakararaan.

Isa si Sarah sa napag-usapan nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa programang “Cristy Ferminute” kaninang tanghali na napakinggan sa Radyo 5 92.3 TRUE FM at maraming netizens ang nag-react sa sinabing single na ngayon ang ina ng mga anak ni Richard.

Baka Bet Mo: Sarah Lahbati nagsalita na tungkol sa ka-date sa HK: I am single!

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Say ni ‘nay Cristy, “One of her friends lang daw at hindi naman daw masama na makita siyang may kasamang iba dahil siya ay single na!

“E, nagalit ang mga kababayan natin kahit pa sabihing panahon na ngayon ng social media, e, marami pa rin sa atin ang ‘lumang tao’ kung tutuusin. Masyado pa rin tayong nagbibigay ng importansiya sa kasal.

“Kaya ang sigaw sa kanya ng mga kababayan natin, ‘Girl, hiwalay ka lang hindi ka pa single! ‘Yun ang sinasabi, di ba?”

Hirit din ni Romel Chika, “E, totoo naman ‘yun.”

Ipinaliwanag ni ‘nay Cristy na baka raw kaya nasabi ni Sarah na ‘single’ siya ay dahil nakawala na siya sa matrimonyo o kasal nil ani Richard Gutierrez.

“Kung ‘yung pangalawa na ang kanyang sinasabi (single) aba’y nagkakamali siya kahit saang diksyonaryo (tingnan) ay maling-mali siya dahil hindi pa naman napapawalang bisa ang kanilang kasal dahil kung ‘yan ay na-annul na ay hindi pupuwedeng itago sa publiko kaya hindi pa talaga siya single kaya tama lang ‘yung mga sumisigaw ng, ‘girl hiwalay ka lang sa asawa hindi ka pa (officially) single,” pahayag ng CFM host.

Sabir in ni Romel Chika, “dapat maging aware siya (Sarah) sa mga pinakakawalan niyang salita dahil babalik (sa kanya) talaga ‘yun.”

May mga nagtanggol naman kay Sarah na nakikita rind aw si Richard na laging kasama si Barbie Imperial na balitang botong-boto ang mommy ng aktor na si Annabelle Rama sa aktres.

Katwiran ni ‘nay Cristy, “minsan lang ‘yun sa bar (nagkita), napadaan lang si Richard at saka walang kuwento na lagi silang nagkikita.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa pagkakaalam din naming ay sa isang resto-bar nagkita ang dalawa na isa si Barbie sa investor kaya inasikaso niya ang aktor.

Anyway, nabalitaan din naming wala pang annulment case ang na-file kundi custody lang ng mga anak na sina Zion at Kai dahil tila gustong ayusin pa ni Richard ang relasyon nil ani Sarah.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending