Janella binastos nga ba si Kim sa ‘It’s Showtime’, ayaw magpasampol?

Janella binastos nga ba si Kim sa 'It's Showtime', ayaw magpasampol?

Janella Salvador at ang mga host ng ‘It’s Showtime’

KABASTUSAN nga ba ang ginawa ni Janella Salvador kay Kim Chiu nang mag-guest siya sa “It’s Showtime” nitong nagdaang Martes, April 2?

Maraming nangnega at bumatikos kay Janella dahil feeling nila, ipinahiya nito si Kim sa harap ng madlang pipol and on national TV.

Bumisita sa “It’s Showtime” ang Kapamilya actress-singer kasama ang Thai actor na si Win Metawin para mag-promote ng pelikula nilang “Under Parallel Skies.”

Sa isang bahagi ng programa, nabanggit  ni Janella ang kanyang concert at single na “Headtone” kaya naman hiningan siya ni Kim ng pasampol.

Baka Bet Mo: Janella aminadong hirap pagsabayin ang career at pagiging single mother, pero tuloy ang pagdating ng swerte sa buhay

“Sample naman Janella sa bago mong…” request ni Kim. Pero hindi pa nga niya natatapos ang kanyang sasabihin ay humindi na si Janella

“Medyo paos ako today, kayo na lang. Next time, promise,” aniya pa. Wala nang pumilit pa sa aktres at singer mula sa iba pang hosts ng noontime show ng ABS-CBN.

Kasunod nito, tila inasar naman ni Vice Ganda si Janella dahil sa ginawa nitong panunukso sa segment nilang “EXpecially For You.”

Ayaw din kasing magbigay ng pa-sample ang isa sa mga searchee ng segment kaya naman nag-dialogue si Vice ng, “Medyo paos siya ngayon, kayo na lang.”


Shookt ang mga kasamahan ng TV host-comedian sa kanyang hirit habang si Kim ay laugh na lang nang laugh.

Naging hot topic agad ito sa social media at karamihan sa mga nabasa naming comments ay nagsabing ipinahiya ni Janella si Kim.

Baka Bet Mo: Janella umamin: ‘Hindi talaga kami friends ni Jane nu’ng nag-start ang Darna, hindi kami nag-click agad-agad’

“Nag promote kapa Janella girl tas makapagsabi kapa ng ‘kayo nalang’. Like What?! Kaya kanga pinag sample diba?!” ang banat ng isang Twitter user.

“HAHAHA medyo rude pagkakasabi niya jan ha! Di nag iisip eh nasa National Television sya! Pwede namang sabihing ‘pasensya po, paos kasi ako ngayon eh!'” sey ng isa pa.

Pero in fairness, meron din namang dumepensa para kay Janella tulad ng isang netizen na nag-post ng, “The ‘kayo na lang PO’ was even respectful in a way. Edi ba ganyan pinoy humor with the memes and side comments?

“Biglang naging disrespectful and maldita nung ginawa ni janella. This is a humor culture that vice/showtime created. Funny how their fans are being offended only now,” dugtong niya.

“Let’s not put malice in both Janella and Kim. I’m a long time fan of the two of them, both always try their best to mean well,” sabi ng isa pang Twitter user.

“She wasn’t well and paos talaga sya. her ‘kayo na lang’ comment is something filipinos say as a joke. vice herself jokes about saying ‘oh edi ikaw na lang’ almost literally every week for YEARS now.

“When janella said the same thing, y’all got mad? where was this energy kay vice? this is what it means when the jokesters get a taste of their own medicine.

“I’m not slandering vice nor the other hosts. this is a message to their OA FANS. if you can laugh at their NOT-SO-FUNNY jokes, then you can laugh at someone else’s jokes and not be a bitch about it,” ang litanya naman ng isang netizen.

Bukas ang BANDERA sa magiging reaksiyon nina Janella, Kim at Vice hinggil sa isyung ito.

Read more...