Sarah binabagyo ng blessings, may serye na may international project pa

Sarah binabagyo ng blessings, may serye na may international project pa

Sarah Lahbati, Kiko Estrada at iba pang cast members ng ‘Lumuhod Ka Sa Lupa’

BUKOD sa comeback series niya sa TV5 na “Lumuhod Ka Sa Lupa” at ilang endorsements, may isang international project din si Sarah Lahbati.

Ilang taon ding hindi napanood sa pelikula at teleserye si Sarah at bongga nga ang pagbabalik niya sa telebisyon dahil talaga namang napakaganda ng project na in-offer sa kanya ng TV5 at Viva Entertainment.

Sa naganap na press screening at mediacon ng “Carlo J. Caparas’ Lumuhod Ka Sa Lupa” natanong si Sarah kung ilang taon siyang napahinga sa paggawa ng teleserye.

“I’m not updated. Sa sobrang tagal, nakalimutan ko na,” ang natatawang sagot ng estraged wife ni Richard Gutierrez.

Baka Bet Mo: Madam Inutz may pa-house tour; nanay na maysakit napaiyak

Ibinalita ni Sarah na mas magiging busy siya this year, “You’ll be going to see me more often. Yes, there are more projects. I just accepted a project that will be shown.

“I don’t know when, but it’s something international. Focus muna tayo sa mga projects,” aniya pa.


Dedma naman ang aktres sa mga naglalabasang tsismis at intriga tungkol sa kanya at kay Richard. Tila na-immune na raw siya sa mga banat at batikos ng mga bashers at haters.

“Alam n’yo naman na punong-puno ng intriga ang buhay ko. But it’s something that doesn’t bother me anymore.

“I’m happy na ang daming dumarating na endorsement and blessing. I’m so thankful and blessed for everyone I worked with. I am so loved,” sey ni Sarah.

Baka Bet Mo: Joel Lamangan sa bagong proyekto: Hindi naman ito pelikula na lahat ng lalaki at babae ay magkakangkangan

Sa ngayon, talagang kinakarir at binanalanse niya ang pagiging working mom, “Ang dami ko pa ring ginagawa simultaneously, but my priority now is to become a mom.”

Hirit pa niya sa mga taong patuloy na nangnenega at nang-iintriga sa kanya, “Bahala sila.”

Nauna nang nilinaw ni Sarah na hindi niya dyowa ang sinasabing mystery man na ka-date niya kamakailan sa Hong Kong, “That photo circulating around is my friend. I visited Hong Kong and met up with different friends.”

Ipinagdiinan din niya na single na single siya ngayon kaya wala siyang nakikitang masama o malisya kung may mga lalaking nali-link sa kanya.

Samantala, muling ma-in love sa bagong handog ng TV5, Studio Viva at Sari-Sari na isang makabagong bersyon ng tanyag na action masterpiece ni Carlo J. Caparas, ang “Lumuhod Ka Sa Lupa.”

Sa nakaaantig nitong kwento at mga hindi malilimutang karakter, tiyak na paiiinitin ng bagong seryeng ito ang Hapon Champion block ng TV5.

Ang “Lumuhod Ka Sa Lupa” ay isang classic story na nilikha ni Carlo J. Caparas bilang comics series na isinapelikula at pinagbidahan ng yumaong si Rudy Fernandez noong 1980s.

Ngayon ay mapapanood na ito bilang TV series na puno ng mas maraming kaabang-abang na aksyon.

Sa pangunguna nina Kiko Estrada, Sarah Lahbati, Sid Lucero, Rhen Escaño, at Gardo Versoza, ang bagong bersyon ng “Lumuhod Ka Sa Lupa” ay puno ng action-packed scenes na tugma sa panlasa ng bagong henerasyon habang nananatili sa orihinal na kuwento nito.


Kasama rin dito sina Mark Anthony Fernandez, Andrew Muhlach, Phoebe Walker, Andre Yllana, Ashley Diaz, Annika Co, Rose Van Ginkel, Jeffrey Hidalgo, at Jeric Raval.

Tampok sa “Lumuhod Ka Sa Lupa” ang kwento ni Norman Dela Cruz (Kiko Estrada), isang working student na may pangarap maging abogado. Magbabago ang takbo ng kanyang buhay nang magkaroon ng alitan sa lupa ang kanyang ina na si Tacing (sa special participation ni Ana Abad Santos) laban kay Benito Balmores (Gardo Versoza) na magdudulot ng trahedya.

Dahil dito, magpapasya si Norman na maghiganti para sa kanyang ina, ngunit mahuhulog ang kanyang puso sa anak ni Benito na si Mercy Balmores (Sarah Lahbati).

Pagkatapos ng ilang taon, muling babalik si Norman bilang isang ganap na abogado na nangangalang Abra Espiritu. Sa plano niyang paghihiganti, paano niya pipigilan ang kanyang damdamin para kay Mercy na ikinasal na kay Miguel Aguirre (Sid Lucero)?

Ano ang magiging mas matimbang para kay Norman – paghihiganti o pag-ibig? Alamin sa nalalapit na pagbubukas ng kuwento ng “Lumuhod Ka Sa Lupa” sa April 8, 2:30 p.m. pagkatapos ng “Eat Bulaga” sa TV5.

Mapapanood ito araw-araw at may same-day catch up naman sa Sari-Sari Channel ng 8 p.m..

Read more...