Anne payag mag-artista si Dahlia: Pero sana makatapos muna siya

Anne payag mag-artista si Dahlia: Pero sana maka-graduate muna siya

Dahlia Heussaff at Anne Curtis

SUSUPORTAHAN ni Anne Curtis nang bonggang-bongga sakaling pasukin na rin ng kanyang anak na si Dahlia Amelie ang mundo ng showbiz.

Walang isyu o problema sa Kapamilya TV host-actress kung magdesisyon ang anak nila ni  Erwan Heussaff na mag-artista o maging host din tulad niya.

Marami kasi ang nakyutan at humanga kay Dahlia nang umere na sa telebisyon at iba pang platforms ang commercial niya kasama si Anne para sa isang phone manufacturing company.

Baka Bet Mo: Anne tinuturuang mag-Tagalog si Dahlia, marunong nang makipag-usap: ‘Tao na siya, kung paano siya mag-express ng feelings niya’

“Siguro ‘yung pag-aartista or becoming an actress if that’s something she wants to pursue when she’s older, of course I’d be very supportive of her pursuing her dreams as an actress,” pahayag ni Anne sa panayam ng ABS-CBN.

Dagdag pang chika ng “It’s Showtime” host, “Kung gusto niya pa mag-aral ng acting, kahit saang school I will try my best to hone her talent.

“But ang wish ko lang makatapos muna siya ng pag-aaral kung mag-a-actress siya,” sabi ng aktres.

In fairness, lumalaki raw si Dahlia bilang super bibong bata at tulad ng kanyang mommy, machika rin daw ang bagets. In fact, “Dahldahl Dahlia” nga raw ang tawag ni Anne sa anak.

“She’s becoming such a bright and bubbly little girl so yeah we’re just so happy with how she is.


“And she’s more open to like mas nakikita ko kumakaway siya sa mga tao ‘coz people call out to her now as Dahlia,” pagbabahagi pa ni Anne Curtis.

Matatandaang nakiusap din si Anne sa madlang pipol na gustong magpa-picture with Dahlia, “I know you guys understand why.”

Baka Bet Mo: ‘Hidilyn Diaz’ costume ng anak nina Anne at Erwan pak na pak sa Halloween

Aniya, sana raw ay maintindihan ng mga fans kung hindi sila pumayag na piktyuran ang kanyang anak, “For those who happen to bump into us in public places and ask for photos with her.

“I always ask you to ask her first. If she says ‘no’ I hope you understand. Walang pilitan siyempre,” sabi ni Anne.

Sey pa ng aktres, umasa raw na palagi siyang game sa mga gustong magpa-selfie sa kanya, “For as long as I’m not in the middle of a literal mothering moment.

“Because at the end of the day ‘yun na po top priority ko,” paalala pa ni Anne sa madlang pipol.

Read more...