Sarah Lahbati nagsalita na tungkol sa ka-date sa HK: I am single!

Sarah Lahbati nagsalita na tungkol sa ka-date sa HK: I am single!

IPINAGDIINAN ng aktres at celebrity mom na si Sarah Lahbati na single na single siya ngayon matapos silang maghiwalay ng asawang si Richard Gutierrez.

Aware si Sarah sa viral photo niya kasama ang isang lalaking foreigner na kuha nang magbakasyon siya kamakailan sa Hong Kong.

Marami ang nagpalagay na ang naturang non-showbiz guy sa litrato ang bago niyang boyfriend at kapalit ni Richard sa kanyang puso.

Nakachikahan namin si Sarah sa naganap advance screening at mediacon ng comeback teleserye niya sa TV5, ang “Lumuhod Ka Sa Lupa” kung saan makakatambal niya sina Sid Lucero at Kiko Estrada.

Nilinaw ni Sarah na ang sinasabing viral “mystery guy” daw niya ay friend lang niya at wala silang relasyon.

“I went to Hong Kong to experience the art. It’s always been a dream of mine to travel around and I was happy that I was able to go,” simulang paglilinaw ni Sarah nang makachikahan ng ilang members ng press kasama ang BANDERA.

Dagdag pa niyang paliwanag, “And that photo circulating around is my friend. I visited Hong Kong and met up with different friends.”

Baka Bet Mo: Sarah Lahbati spotted na may kasamang afam sa HK, may bagong lovelife?

Ayon pa sa aktres, wala siyang nakikitang offensive o problema kung ma-link man siya ngayon sa ibang lalaki dahil single naman daw siya.

“Is it unfair? Is it bothering me now? It takes a lot more for something to bother me now.

“But I think as, as a woman, we’re all allowed to have guy friends but again, it’s okay to speculate because again, I’m single and it is part of this whole new thing,” paliwanag ni Sarah.

Kumalat sa social media ang picture ni Sarah habang kumakain sa isang restaurant sa Hong Kong kasama nga ang kanyang “mystery man.”

“May nagpasa lang ng mga litrato sa akin ng sightings ng isang kababayan na sobrang avid viewer… nakasabay daw niya sa restaurant sa Hong Kong si Sarah Lahbati,” ang chika ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel.

“Nasa kabilang table si Sarah at merong kasamang lalaki si Sarah,” aniya pa.

Samantala, muli ngang mapapanood si Sarah sa pinakabagong action-drama series ng TV5, ang “Carlo J Caparas’ Lumuhod Ka Sa Lupa” na magsisimula na sa April 8, 2:30 p.m., after “Eat Bulaga.”

Makakasama din niya rito sina Rhen Escaño, Gardo Versoza, Mark Anthony Fernandez, Andrew Muhlach, Phoebe Walker, Andre Yllana, Ashley Diaz, Annika Co, Rose Van Ginkel, Jeffrey Hidalgo at Jeric Raval.

Read more...