True ba, Claudine matindi ang galit, ‘di pa kayang patawarin si Angelu?

True ba, Claudine matindi ang galit, 'di pa kayang patawarin si Angelu?

Angelu de Leon at Claudine Barretto

HANDA na kayang makipag-usap at makipag-ayos si Claudine Barretto sa kapwa niya aktres at ka-batch sa showbiz na si Angelu de Leon?

Kung ang pagbabasihan kasi ay ang naging reaksyon ni Claudine nang mabanggit ang pangalan ni Angelu sa wedding anniversary nina Gladys Reyes at Christopher Roxas more than a month ago, mukhang malalim ang galit ng sisteraka ni Gretchen Barretto.

Talagang hindi niya masikmurang makasama sa isang proyekto si Angelu matapos mabanggit ni Gladys ang tungkol sa dream project niya.

Baka Bet Mo: Gladys super excited na sa dream project kasama sina Juday, Claudine, Jolina at Angelu: ‘I’m willing to co-produce it if ever’

Ito yung pelikula kung saan gusto niyang makasama sina Claudine, Angelu at Judy Ann Santos. Pero kumontra nga nang bonggang-bongga si Claudine at sinabing silang tatlo lang nina Gladys at Juday ang bibida sa naturang proyekto.


“I-manifest na natin yung pelikula natin with Juday,” sabi ni Claudine.

Reply ni Gladys, “Ha-hahahaha! Game ka ba doon, Clau? Game ka ba doon kung matutuloy ang reunion project natin with Juday and Angelu?”

Sey ni Cludine, “No, no, no. Hindi. Ikaw lang, at ako, at si Juday. Walang Angelu.”

Magsasalita pa sana si Claudine ngunit pinigilan na lang ni Gladys sa pamamagitan ng pagbaba ng mikropono ng kaibigan habang nasa stage sila para mga sa wedding anniversary nila ni Christopher.

Baka Bet Mo: Angelu de Leon umaming inaatake pa rin ng Bell’s palsy: But it doesn’t bother me anymore

Agad nga itong nag-viral sa social media at nasulat sa iba’t ibang entertainment sites ngunit naging tahimik si Angelu pero may ilang hugot siya about “forgiveness” sa social media.


Sa panayam naman ni Ogie Diaz kay Angelu sa kanyang YouTube vlog ay napag-usapan nga ang tungkol sa naturang isyu.

“‘Yung initial reaction ko talaga, ‘Buti na lang wala na ako du’n.’ Gusto mo ng showbiz answer? Kung nandu’n ako, okay lang.

“Pero kasi, hindi naman ‘yun ‘yung nangyari and I don’t play what-ifs in my life,” aniya pa.

“I’m grateful na ‘yung pagkakataon na ‘yon, gano’n ‘yung nangyari. I guess, kailangan ko rin magnilay-nilay. Pero I don’t want to disregard din kung meron siyang feelings na nasaktan,” dugtong ng aktres.

Dagdag pa niya, “Kung merong gano’n pala, then eventually sana magkaroon ng pagkakataon na mag-ayos na lang nang face to face, and talagang sincere ‘yung mangyayari.”

At tungkol naman sa cryptic message niya sa socmed noong kasagsagan ng isyu, “At first, hindi naman talaga ‘yun ‘yung intention.

“Mahilig lang talaga ako mag-share ng mga gusto kong ilagay sa archive ko. Pero ‘yun nga, nung nakita ko, pwede rin nga naman,” paliwanag pa niya.

May mga nabasa kaming comments na baka raw magtagal pa ang sigalot sa pagitan ng dalawang aktres dahil feeling nila matindi talaga ang galit ni Claudine kay Angelu.

Hindi raw naman kasi magsasalita at maglalabas ng saloobin si Claudine sa party nina Gladys at Christopher against Angelu kung hindi grabe ang galit na nararamdaman niya.

Ilang netizens naman ang nagsabi na hindi pa kayang patawarin ni Claudine si Angelu kaya wait and see na lang tayo.

Read more...