SINAGOT ng Kapamilya actor na si Jake Ejercito ang netizen na nagsasabing “tahimik” lang siya noong panahong pinagbibitangan si Albie Casiño na ama ng ipinagbubuntis ni Andi Eigenmann.
Sa isang Facebook post ng GMA News ukol sa aktor, isang netizen ang nag-comment tungkol sa isang article kung saan nagbiro siya tungkol sa sample question sa Civil Service Exam Masterclass na tumatalakay sa grammar.
Imbes na good vibes lang ay isang netizen ang muling nag-ungkat ng isyu noon na napagbintangan si Albie bilang ama ng panganay ni Andi at ang pananahimik umano ni Jake sa kalagitnaan ng isyu.
Baka Bet Mo: Albie hindi welcome sa burol ni Jaclyn: So, bakit ako makikiramay?
“Jake WAS silent during the times when Albie Casiño was being assaulted for allegedly impregnating Andi Eigenman,” elsaktong komento ng netizen.
Makikita namang nag-comment ang aktor at hindi pinalagpas ang sinabi ng netizen.
“Ivan IS a clout chaser who comments without knowing the facts and the whole story. He can’t even spell names right,” sey ni Jake na tumutukoy sa pagkaka-spell ng apelyido ni Andi.
Ngunit hindi pa tapos sa pagresbak ni Jake sa basher at ibinandera pa ang screenshot ng comment nito sa Facebook My Day niya.
“Baka kailangan mong mag visita iglesia Ivan,” sabi ng aktor.
Matatandaang si Albie ang naging first boyfriend ni Andi noon bago pa naging sila ni Jake.
Ngunit nang pumunta ito ng London ay nagkabalikan raw sina Albie at Andi.
Noong 2011, lumabas ang chikang buntis si Andi at ang hinihinalang ama ay isa kina Jake at Albie .
Ngunit dinenay ito ni Albie at sinabing hindi siya ang ama ng dinadala ni Andi.
“From the start, there was always me and Jake Ejercito. There was always the two of us. I don’t know why everyone thinks it was me. There is no concrete evidence.
“She just said it was me. She never gave me a DNA test. I don’t know why people automatically assume it was me,” sabi Albie noon.
Makalipas ng limang taon ay lumabas ngang si Jake ang ama na kinumpirma mismo ng half-sister ni Andi na si Max Eigenmann.
“Yes, he is. They did a test. He’s the dad. They’re co-parenting. That’s why he always posts photos of my niece,” pagbabahagi nito nang mag-guest siya sa “Good Times with DJ Mo Twister” podcast.
Kamakailan ay ibinahagi ni Albie na wala siyang problema kay Jake at siya ang unang nag-approach dito.
“Ako ang lumapit sa kanya. ‘I’m sure you know who I am. Wala akong problema sa’yo. I hope you have no problem with me personally,'” saad ni Albie.