WALANG paliguy-ligoy na ni-reveal ng veteran actress na si Elizabeth Oropesa na posibleng ma-in love siya sa kapwa aktres na si Alma Moreno.
Binalikan ni La Oro ang ilang mahahalaga at hindi malilimutang kaganapan sa kanyang showbiz career at personal na buhay, kabilang na ang mga eksena noong nagsisimula pa lamang siyang gumawa ng sariling pangalan.
Isa nga sa mga nakakalokang revelation ng beteranang aktres ay hindi raw malabong mahulog ang loob niya kay Alma na ilang beses na niyang nakakatrabaho.
Sa guesting niya sa isang episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” nitong nagdaang Martes, March 26, natanong si Elizabeth tungkol sa ginawa nilang kissing scene ni Alma sa pelikulang “Si Malakas, si Maganda, at si Mahinhin.”
Sey ng aktres, talagang nagmarka sa kanya ang halikan nila ni Alma, “Take one lang ‘yon. Alam mo, nakuha namin ng take one.
“She’s very beautiful. If I’m a lesbian, I’d fall in love with Alma. My goodness! Lalo na nu’ng kabataan niya, ‘di ba?” lahad ni La Oro.
“I agree,” ang sey naman ni Tito Boy.
“So it was not difficult at all,” sabi uli ng aktres.
“So, take one ‘yon?” sundot na tanong ng premyadong Kapuso TV host.
“Take one ‘yon. Cut na nga ‘di pa naka-cut (kissing scene),” natatawang rebelasyon pa ni La Oro.
Bukod dito, may ni-reveal din si Elizabeth tungkol sa namayapang Action King na si Fernando Poe, Jr..
Tinanong ni Tito Boy kung sino sa mga naging leading man niya ang mako-consider niyang pinakamasarap humalik o best kisser.
“Sa lahat ng mga naging leading men mo, sino ang pinakamahusay humalik? Kasi sabi mo mahusay kang humalik?” diretsahang tanong ni Tito Boy.
“Oo, sabagay…maniwala ka sa hindi, si Kuya Ronnie (Fernando Poe, Jr.). Yeah! Kita mo, ngayon revelation ‘yan.
“Ngayon ko lang nasabi kasi patay na si Ate Susan (Roces, yumaong asawa ni FPJ), nahiya naman ako baka pa pagdudahan,” sabi ni Elizabeth.
“Best kisser, lips my God so soft, kasi disente siya humalik, very tender, very loving, basta napakasarap! Kung siya ay tsokolate, Belgian. It melts in your mouth!” ang chika pa ni La Oro.
“Ang tsismis noon na lumalaganap sa industriya, ang pinakamagaling humalik ay si George Estregan. Kasi totoo naman, napakagaling din naman ni George with matching laway na lumalabas,” sabi pa ng veteran star.
Nagkasama sina La Oro at FPJ sa ilang classic films, kabilang na riyan ang “Aguila,” “Bontoc,” at “Alupihang Dagat.”