Ashley Tisdale buntis sa 2nd baby: ‘We can’t wait to meet you!’

Ashley Tisdale buntis sa 2nd baby: ‘We can’t wait to meet you!’

PHOTO: Instagram/@ashleytisdale

MAY exciting news ang Hollywood actress at “High School Musical” star na si Ashley Tisdale sa madlang pipol!

Ayon sa kanya, ipinagbubuntis niya ang second baby nila ng mister na si Christopher French.

Sa Instagram, ibinandera ni Ashley ang kanyang baby bump at ang caption niya: “We can’t wait to meet you [emoji].”

Baka Bet Mo: Vanessa Hudgens buntis na, ibinandera ang baby bump sa Oscars 2024

Nag-post din mismo ang kanyang mister a social media upang ianunsyo ang magandang balita.

“Beyond grateful. Thank you my beautiful love for another baby French,” sey niya sa IG.

Sa comment section, makikita na nag-reply sa post ang aktres at sinabing: “I love you!!! Juju is just too cute we had to have another!!”

Sa pamamagitan naman ng Instagram Story, nagpasalamat si Christopher sa lahat ng nagpaabot ng “congratulatory” messages para sa kanilang “little blessing.”

“We are so happy, excited, and grateful for this new little blessing,” wika niya.

Mensahe pa ng mister ni Ashley, “Thank you so much for all the kind words of love and support from everyone, we feel it all and appreciate it.”

PHOTO: Instagram Story/@cmfrench

Noong March 2021 nang isinilang ni Ashley ang panganay na anak na si Jupiter Iris French.

Magugunita na nitong buwan lang din nang inanunsyo ng kanyang co-star sa nasabing iconic movie, ang Filipino-American singer-actress na si Vanessa Hudgens na magkaka-baby na sila ng kanyang mister na baseball outfielder na si Cole Tucker.

Ang kumpirmasyon ay matapos siyang rumampa sa red carpet ng prestihiyosong Oscars 2024 na ginanap sa Dolby Theatre sa Los Angeles, California noong March 11 (Manila time).

Baka Bet Mo: Bretman Rock muling inokray si Vanessa Hudgens: ‘I didn’t even hear the second name, who was that?’

Sa Instagram ng Hollywood actress, bumandera ang baby bump sa isinuot niyang black turtleneck gown.

Isa si Vanessa sa mga napiling hosts para sa pre-show ng awards ceremony at kasama niya riyan ang American dancer-actress na si Julianne Hough.

“Oscar’s 2024! One for the books [emojis],” caption niya sa post.

Matatandaang noong December last year lamang nang isagawa ang intimate wedding ni Vanessa at Cole sa Mexico.

Tatlong taon sila naging magkarelasyon bago ikinasal.

Read more...